Igi Boy Muhlach, from child star to expectant father! – Boy Abunda

Sa showbiz, napakabilis talagang lumipas ng panahon. Sa tagal ko na sa industriya, marami na akong nakitang dumating at naglaho pero ang iba naman, dumating at magpahanggang ngayon ay maningning pa rin. Some female young stars seem to be more daring and sexier in their projects. They don’t mind baring some skin na para raw sa ikagaganda ng isang proyekto o para sa ikatatagal ng kanilang career. ‘Ika nga, sa showbiz matira ang matibay.

Mayroon ding celebrities na nagpakasal o naghiwalay at mga loveteams na nagkakahiwalay at nagkabalikan onscreen. May mga artistang nanganak pero may ilan naman ang pumanaw na. There are also child stars who have their own families now like Gov. Vilma Santos, Maricel Soriano, Snooky Serna, Niño Muhlach, Camille Prats, Matet de Leon, Gladys Reyes and Judy Ann Santos.

Ngayon, kabilang na sa listahang ito ang anak nina Aga Muhlach at Janice de Belen na si Luigi “Igi Boy” Muhlach. He has recently tied the knot with his non-showbiz girlfriend Patricia Monique Petil in a civil wedding officiated by Mendez, Cavite Mayor Manuel Romera.

Parang kailan lang, Igi Boy was a little kid who used to appear in the daily afternoon youth-oriented show Ang TV on ABS-CBN. Now, he is an expectant father. Igi Boy said he will name his baby “Alejandro Miguel” if he is a boy (a combination of his second name and Patty’s lolo Miguel) and “Adriana Dominique” for a girl from his wife’s second name Monique.

The wedding reception was held at Hacienda Isabella in Batangas na pag-aari ng Pop Diva na si Kuh Ledesma. It’s nice to learn na nagsama-sama sa espesyal na araw na ito ang mga mahahalagang tao sa buhay ni Igi Boy gaya nina Aga at Janice kasama sina Charlene Gonzalez at ang kanilang mga anak.

It is said that Igi Boy first asked his parents’ permission before he proposed to Monique. The proposal was held inside her room in Parañaque.

I think no matter how much the newlyweds would like to keep the affair private ay hindi nila puwede itong itago sa publiko because Igi Boy is the son of Aga and Janice who are both public figures. Marami ang interesadong malaman ang mga naging kaganapan sa kasal at ang saloobin ng lahat lalung-lalo na nina Aga and Janice.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Igi Boy Muhlach, from child star to expectant father! – Boy Abunda

Leave a Reply

Your email address will not be published.