Igi Boy Muhlach, anak ni Janice de Belen, nag-asawa na!

NAG-ASAWA  NA NGA ang love child nina Aga Muhlach at Janice de Belen na si Igi Boy last October 25. Patricia Monique Petil ang name ng girl na napangasawa ni Igi Boy. Naganap ang kasal ng dalawa sa opisina ni Mendez, Cavite mayor Manuel Romera na siya ring nagkasal sa kanila in a civil wedding.

Sa mga litratong ito na ipinadala sa ating e-mail, sobrang happy naman ang newly-wed couple. Nakakaloka nga lang isipin na ganu’n na pala katagal, dahil ang dating baby boy nga nina Aga at Janice, eh, nasa husto nang edad para mag-asawa.

Um-attend naman sa kasal ni Igi Boy at Patricia sina Aga at Janice. Kasama ni Janice ang mga anak niya kay John Estrada, habang kasama naman ni Aga ang asawang si Charlene Gonzales-Muhlach.

Pero may chikka na walang nangyaring kuwentuhan at kumustahan sa pagitan nina Aga at Janice, at para nga raw hindi masaya si Janice sa pag-aasawa ng kanyang panganay. Hindi pa siguro sanay si Janice na may iba nang babae sa buhay ang kanyang anak maliban sa kanya. O, baka naman kaya siya malungkot, eh, dahil naiisip niyang napakabata pa niya para maging lola? ‘Yun na!

loading...

2 thoughts on “Igi Boy Muhlach, anak ni Janice de Belen, nag-asawa na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.