Igalang ang Resulta ng Botohan – P-Noy

HINIKAYAT NG Palasyo ang lahat na igalang ang kagustuhan ng nakararami.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na matapos ang eleksyon, inaabangan na lamang ang proklamasyon ng Comelec sa mga panalong senador, kung saan lumalabas na 9-3 pabor sa Team P-Noy.

Ayon kay Lacierda, nagdesisyon ang taong-bayan pabor sa administration agenda sa pamamagitan ng pagboto karamihan sa kandidato ng Pangulong Aquino.

Sinabi ni Lacierda na pinagtibay ng resulta ng halalan ang kumpiyansa ng mamamayan sa liderato ng Pangulo at umaasang magpapatuloy ang reporma sa mga naihalal na bagog mambabatas.

Kasabay nito, kuntento naman daw ang Palasyo sa takbo ng halalan sa kabila ng mga naitalang glitches sa ilang PCOS machines.

Samantala, nagpapasalamat din sila sa mga botanteng nagsakripisyo sa pila para bomoto sa kabila ng ilang banta at pressure mula sa mga kandidato

“The work is cut out for all of us: first, to respect the will of the majority; second, to witness the baton of leadership being handed over from one set of leaders to the next on the basis of the people’s will; and third, to stay on the path that the Filipino people have determined by virtue of their vote for change. The victory of Team PNoy is a renewed mandate for tuwid na daan, and a vote of confidence for good governance, the continuity of reforms, and a brighter future to come,” ani Lacierda.

“We thank the Filipino people for the support they have shown President Aquino’s agenda of reform and positive change, and we also thank them for doing their part and contributing to the success of these elections. As we in government continue to fulfill the mandate entrusted to us by our Bosses, the Filipino people, it is our hope that the next three years will see our country taking even greater strides along the straight path towards equitable progress, peace, and stability for all.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.