If Given A Chance, Jason Abalos Will Court Bela Padilla Again

NU’NG NASANGKOT NOON ang pangalan ni Bela Padilla sa iringan nila ni Marian Rivera, lumutang din ang pangalan ni Jason Abalos. Diumano ay naghiwalay ang dalawa sa kasagsagan ng isyu nina Marian at Bela. Pero hindi naging bukas sa publiko ang kanilang relasyon noon, kaya marami rin ang nagulat kung bakit may hiwalayan issue between them.

Matagal ding walang linaw kung ano ba ang katotohanan sa nasabing relasyon. Both camp ay hindi nagsalita at nagpaliwanag, pero sa isang event ay nakorner ng press si Jason at dito ay hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa.

“Naging kami ni Bela. Ang nangyari, naging discreet kami, it went well. Naging okay ako sa pamilya niya at siya, sa pamilya ko. ‘Yung hiwalayan, medyo personal, wala naman sa aming nagtanim ng sama ng loob. Kasi may mga bagay na hindi n’yo maipaliwanag,” pahayag ni Jason.

Sa ngayon, wala raw namang problema sa kanilang dalawa. At kung nanaisin ng tadhana, gusto pa rin daw maging girlfriend ulit ni Jason ang dalaga.

“After nang lahat ng ito, puwede kong sabihin na kung siya ang makatuluyan ko balang-araw, gusto ko. Tatlong taon ‘yun eh, mahirap naman ‘yun mawala agad. Nasa system mo na ‘yung pagmamahal, eh.”

Pareho namang single ang dalawa, so hindi malayong magkabalikan sila. Ang tanong na lang, ipupursige ba ni Jason ang pag-win back sa puso ni Bela?

NAKAUSAP NG PRESS si Jeremy Marquez sa isang event, panganay na anak ni Mayor Joey Marquez at ngayon ay kapitan ng BF Homes sa Parañaque. Aminado ang actor-turned public servant na mahirap ang kanyang trabaho, pero hindi ito naging hadlang upang pagbutihin niya ang kanyang pagseserbisyo sa kanyang nasasakupan.

“Kasi, lahat ng problema, malaki o maliit, talagang ikaw ang sosolusyon, pero masaya rin kasi maayos ang samahan namin ng konseho at ng a-king mga kabarangay. Saka inspiring. ‘Yung time mo, talagang ibibigay mo lahat.”

Marami ang nagsasabing todo-bigay ang kanyang pagseserbisyo sa kanyang nasasakupan at buhos ang kanyang oras dahil daw pinaghahandaan niya ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na halalan.

Bali-balita pa ngang inaasinta raw niya ang pagka-bise alkalde ng bayang pinamumunuan ng kanyang ama sa loob ng tatlong termino bilang mayor. Totoo nga ba ito?

“Yan ang pini-prepare namin ngayon. So, as early as now, ‘yan ang pinaghahandaan namin.”

Kaya naman daw apektado na ang kanyang lovelife dahil sa public service. Paliwanag ni Jeremy, “Ang dami mong kailangang i-sacrifice para lang mabigyan mo nang atensiyon ang priorities mo, and lovelife right now, hindi pa muna. Darating din ‘yun sa tamang pagkakataon.”

Isa si Jeremy sa pinakamasipag na public servant, katulad ng isa pang aktor na naging kapitan na din sa ngayon, si Jolo Revilla. ‘Yun na!

NAKAUSAP NG PRESS ang guwapong mo-del na si Borgy Manotoc tungkol sa pelikulang gagawin daw niya kasama ang maga-ling na comedian na si Vice Ganda. Nabalita kasing sasabak na ang boyfriend ni Georgina Wilson sa showbiz at isang pelikula nga ang baptism of fire para sa kanya.

Matutuloy ba ang nasabing movie?

“No. Vice is a very fantastic character. I’m a first timer. I’m still intimidated, so I’ll wait for another project,” sey ni Borgy.

Tiyak na aabangan ng ‘kapatiran’ ang unang pelikulang gagawin ni Borgy, promise ‘yan!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.