IED, Pinasabog sa Electric Tower sa Iloilo

ISANG IMPROVISED explosive device (IED) ang pinasabog sa pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Barangay Indag-an, Miagao, Iloilo kamakailan.

Sinabi ni PO3 Butch Torefiel ng Miagao Municipal Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon na may bombang pinasabog sa lugar at rumesponde kasama ang mga kasapi ng Scene of the Operatives at Philippine Army.

Ayon sa mga residente, narinig ang pagsabog kasabay ng malakas na ulan noong Biyernes ng gabi at inakala ng mga ito na kulog ang dumagundong.

Gumuho ang mahigit isang metro na pundasyon ng tower dahil sa pagsabog.

Samantala, sa impormasyon na nakalap ng mga awtoridad, 15 armadong katao na dumaan sa tower bago ang pagsabog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.