Ice Cream Caretaker, Kinatay

TODAS ANG isang ice cream caretaker matapos pagbabarilin at gilitan sa lalamunan habang kritikal ang kasamang empleyado sa kuya ng una at apat na hindi pa kilalang kasama sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Jerry Verdida, 38, ng Phase 2, Dagat-dagatan ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Jose Refre III, 46, empleyado ng nasabing lugar.

Nadakip naman si Jenny Verdida, 40, habang nakatakas ang apat na hindi pa kilalang mga kasama.

Batay sa ulat, dakong alas-8:20 ng gabi nang pasukin at pagbabarilin ng mga suspek ang mga biktima sa nasabing lugar.

Nakalabas pa ang nasawi subalit isa sa mga suspek ang lumaslas sa lalamunan na naging dahilan ng agad na kamatayan habang nagsitakas ang mga salarin. Subalit sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Jenny.

Dinala naman sa JRMMC si Refre habang inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing krimen.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.