IC Mendoza, ‘di type ang straight

IC-MendozaMAGALING HUMAWAK ng event si IC Mendoza, pinatunayan niya ito sa nationwide search for Miss Little Earth Philippines at Miss Teen Earth Philippines ng Capture Dream Production. A press presentation will happen on May 21, (40 girls was chosen) at magkakaroon ng gala night on May 24. The pageant night is on May 27 at SM Mall of Asia Arena. A delayed telecast can be watched on June 8 via GMA 7’s SNBO.

Aside sa pagiging event coordinator/ publicist/ talk show host, magaling ding comedian ang anak ni Dolly Ann Carvajal na si IC. “Now, I realize, mas effective ako sa pagha-handle ng event at pagiging TV host. Of course, I like acting pero on the side na lang ang pagiging artista ko. Sayang naman ang racket sa TV at movie, go lang ng go, ‘di ba?”

Ayon kay IC, maraming plano ang producer niyang si Vas Bismak (pageant trademark owner) aside sa beauty pageant. “After this pageant, we’re planning to produce concert locally and international. Depende sa artist na kukunin namin, excited nga ako sa mga susunod naming project. Magko-concentrate muna ako rito, pero tuloy pa rin ‘yung guesting ko sa TV,” say ng young TV host/comedian.

Siyempre, tinanong namin si IC kung may special someone siya sa ngayon. Wala raw siyang boyfriend at the moment. Ini-enjoy muna raw niya ang pagiging single.”Kung may dumating, okay lang. Hindi ako naghahanap. Nakailang relationship na rin naman ako, ganu’n talaga. Darating ‘yung point na kailangan na ninyong magkahiwalay. You have to accept it, kahit masakit. You have to move-on, marami pang darating sa ‘yung buhay unexpected,” casual na sabi ni IC.

Lahat pala nang naka-relasyon ni IC ay puro beki. “Hindi ko type ang straight guy, puro beki lahat ang naging boyfriend ko. Mas totoo kasi kung pareho kayong gay, mas naiintindihan ninyo ang isa’t isa. Open kayo sa lahat ng bagay. At saka, mararamdaman mo sa relationship ninyo mahal ninyo ang isa’t isa. Ever since naman, puro beki na ang naka-relationship ko and it’s fun, wala akong regrets,” pahayag ni IC.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.