Ibinuyangyang pati kaluluwa noong nagsisimula pa lang
Coco Martin, peg ng mga baguhang indie actor

PARANG KABUTENG nagsulputan ang mga gay indie films o ‘yung tinatawag na pink movies nowadays. Dalawa o tatlong araw na shooting lang, isang pelikula na agad ang tapos.

Maliit lang ang budget, dahil hindi naman mga artista, kungdi mga baguhan lang ang nagsisipagganap. Actually, mga totoong barako na ‘yung isa o dalawa ay aarteng paminta.

First movie pa lang ng ibang indie actors, sabak na agad sila sa hubaran at love scene sa kapwa lalaki. Kung willing ipakita ang ari, mas mainam. Lalo na kung walang arte sa katawan.

Ganito na ang uso ngayon. Na ipalalabas sa lima hanggang pitong sinehan lang at posibleng makabawi kapag umingay ang pelikula at na-curious ang maraming paminta o bading sa “ingay” ng isang pelikula.

 

COCO MARTIN ang peg ng indie actors na nakikipagsapalaran sa pagpalaot sa showbiz. Laging katuwiran ng mga producer, “Si Coco Martin nu’ng araw, walang arte-arte. Hubo kung hubo. Nakikipaglaplapan pa sa kapwa lalaki, walang keber.

“Nagpakita pa nga ng nota, eh. Malay n’yo, ganu’n din ang mangyari sa career n’yo. Kaya galingan n’yo!”

Actually, kahit kay Coco Martin, nakarating na rin ang mga ganitong press release ng mga producer o manager sa mga baguhan. Naaaliw na lang si Coco, pero sabi nga namin, “Ganu’n talaga, Co, ikaw ang peg, eh. Ikaw ang best example ng isang successful indie actor, kaya sa ayaw at sa gusto mo, ikaw rin ang gagawing halimbawa ng mga direktor at producer sa mga indie actor ngayon.”

 

 

AT PANSININ n’yo, ha? Sa dami ng ginawang kontrobersiyal na indie movie ni Coco kung saan nakipag-torrid kissing scene siya kay Paolo Rivero sa Daybreak, nakipaglampu-ngan din siya kay Allan Paule sa Masahista at nagpakita pa siya ng notes sa Serbis, pero ngayon, balot na balot nang parang suman si Coco.

Sa Walang Hanggan, hindi man lang nagpakita ng katawan si Coco. O kahit eksenang naka-shorts siya ay wala rin o kaya’y lumabas ng shower dahil kaliligo lang, wala rin, ‘di ba?

Kaya sabi nga namin kay Coco, “Baligtad ka, ‘no? Nu’ng araw, halos pati kaluluwa mo, ipakita mo. Ngayong sikat na sikat ka na, ni topless, hindi mo na ginagawa.”

Nangiti na lang si Coco.

BIGLA RIN tuloy naming na-miss si Paulo Avelino na madalas naming kasama sa tent sa 11 months na ginawa ang Walang Hanggan. Sa tuwing magbibihis o maghuhubad si Paolo ay hindi puwedeng hindi kami mapali-ngon sa kanya.

Pa’no naman kasi, kakinis na bata. Flawless ang skin at wala yata akong nabanaag na peklat man lang sa katawan niya. Kahit ang kuyukot, pantay sa kulay ng kutis, kaya sa loob-loob namin, “Juice ko, hindi man lang yata nagalusan nu’ng bata pa itong si Paulo, kaya gano’n kakinis.”

‘Pag humarap naman sa amin nang nakahubad, ang kinis din ng katawan. Walang mga pimples-pimples sa katawan o kaya ay an-an. Makinis talaga.

Pero promise, hindi namin pinagnasaan si Paulo. Talaga pong parang bunsong kapatid lang ang tingin namin sa kanya kapag siya’y nagbibihis sa harap namin. Walang malisya, ‘ika nga.

Pero siyempre, kung tutukan mo naman ako ng kutsilyo sa leeg para paaminin ako kung me malisya ang tingin ko o wala, eh, aaminin kong meron. ‘Wag mo lang akong gilitan sa leeg.

Hahahaha!

Hay, naku… nami-miss ko rin ‘tong batang ito. ‘Kala lang nila suplado, pero sobrang bait at napakamarespeto. Kaya hindi rin namin “malaswa nang konti.”

Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

6 thoughts on “ Ibinuyangyang pati kaluluwa noong nagsisimula pa lang
Coco Martin, peg ng mga baguhang indie actor

  1. COCO MARTIN ngstart s pagiging artista nung bata pxa kontrabida n nga xa nung bata plng i forgot lng un title ng movie n un pero kung ano hitsura nya eh pabatain mo lng eh ganun-ganun din lumaki lng ng konti…kesehodang bakla pa yang c Coco Martin wala ako pakyems…LIKE ko xa!!!

  2. iba naman ang daang tinahak ni coco. ni wala sa buka bukabularyo nya ang maging artista. minahal na lamang nia ang pag acting ng nakatanggap na sya ng mga prestihiyosong mga awards. Samahan pa ng isang direktor na si Brillantes na isang matapang din pagdating sa paggawa ng totoong pelikula. Iba ang tandem ng 2 iyan. 
    Tignan mo kung nasaan si coco ngayon. Maihahanay na sa mga de kalibreng artista sa telebisyon. Hindi nya lng napantayan ang iba kundi mas naunahan pa nia. Walang makakalimot sa isang pipityuging aktor ng indie noon na ngayon ay tinitilian at dinudumog saan man. 

  3. si coco martina sa umpisa pa lang makikita mo na na magaling talaga umarte at natural unlike yung mga indie actors ngayon, basta may itsura at maganda ang katawan isasabak na agad sa indie movies kahit boplaks sa aktingan. yung iba naman mukha na ngang kargador o mga hipon go lang ng go. pero ha, dahil sa mga laplapan sa kapwa lalaki, nadevelop na si coco, matagal n ring nababalitang paminta si coco at marami na rin sya mga rich judinger z na mga nakarelasyon, may isa ngang may ari ng review center na ang gustong makarelasyon eh pure straight, tinry si coco tapos napansin ng review center owner na hindi straight si coco kaya hiniwalayan. babababakling! VIOLENT REACTIONS? go go go bitches!

      • affected ka tanga! totoo naman lahat ng sinabi ko bobong hambog! napakadami nang nakahada sa coco mo bago sumikat tanga! kung ako sayo mag ipon ka na ng pera para mahada mo na yang idolo mong pahada tanga kang hampaslupa! pero imposibleng ma aafford mo sya dahil ikaw ay isang baklitang yagit PWE!!! basura ka!

Leave a Reply

Your email address will not be published.