Ibinuking si Sen. Chiz Escudero
Kris Aquino, umandar na naman ang pagkataklesa!

OVER MY beautiful body, uma-ndar na naman ang pagiging taklesa ni Kris Aquino. Take note, sa lahat ng taklesa, si Kris ang totoo at nakakatuwa. Hindi ka maiinis sa kanya bagkus matutuwa ka pa, kasi totoo ang mga sinasabi niya.

Marami riyang taklesa kuno, pero gawa-gawa lang para makakuha ng attention. Isa na d’yan ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez, ‘di ba naman sa true?

Okay, balikan natin si Kris. Kasi nanood ako ng KrisTV. Aliw ana aliw ako sa kanilang dalawa ni Senator Chiz Escudero. Kasi ‘pag kaharap mo na si Kris sa TV, iba na ang dating niya, wala kang maitago, at maloka-loka ako sa kanya nu’ng nag-uungkatan silang dalawa ni Sen. Chiz.
Nu’ng nakaraang episode, naloka ako sa mga tanong sa senador na nali-link ngayon kay Heart Evangelista. Ito ang takbo ng kanilang tuksuhan.

Sabi ni Sen. Chiz, “Kasama ko lang siya kahapon.” Biglang naghiyawan ang audience na ang pag-aakala nila ay si Heart ang kasama ni Sen. Chiz, kahit ako gano’n din. Ayon biglang kinorek ni Kris si Sen. Chiz na si P-Noy ang kasama ni Chiz at hindi si Heart.

At sabay tanong ni Kris kung nag-meet na ba ang presidente at si Heart. Natameme si Sen. Chiz na parang ayaw sagutin ang tanong. Hayun, dahil sa kapipilit ni Kris, sinagot na rin ni Chiz ang tanong. Nag-abot na raw ang dalawa, kasi mismong magkasama sila ni P-Noy sa isang Japanese resto, sumunod si Heart, kaya nakilala na nito ang pangulo.

Tuwang-tuwa naman ang Queen of Talk at ito ang ibinunghalit niya kay Sen. Chiz. “Nice, that’s nice… cause when you start introducing the girl you’re dating to your close friends – sinabi mo ‘yan sa isa nating episode – that signals that the relationship is really getting deeper.”

Na ang ibig sabihin, talagang malalim na ang unawaan nila ni Heart at hindi na basta kung ano pa man. Say n’yo? At mukhang nagpakatotoo talaga si Senator Chiz, talagang mapapa-heart ang pagka-inlab nga ba? Wala ka dapat itago lalo na kung mahalaga sa ‘yo ang isang tao.

 

BLIND ITEM: Speaking of pagsasama ng napakatagal na panahon at baka may mga apo na, naloka naman ako rito sa chikka sa isang magaling na composer-singer na halos kasing edad ko na. Lahat ng mga composed niyang kanta ay pumatok at kinakanta ng mga mahihilig mag-videoke. Kahit na ang isang magaling na singer ay ne-record halos lahat ng kanta niya sa isang album at pumatok din, at marami rin ang ginawa niyang kanta rito.

‘Eto ang chikka. Kasi kung kailan tumanda, saka naman sila naghiwalay ng kanyang asawa. Katuwiran niya, tapos na raw ang kanyang obligayon, kasi napalaki na ang mga anak at napag-aral na. Ngayon ay may kinakasama nang batam-bata ang naturang singer at hindi makapaniwala ang asawa’t mga anak na gano’n ang mangyayari sa kanilang pamilya.

Kaloka, talagang usong-uso ngayon ang mistress, hindi lang sa pelikula, maging sa tunay na buhay. Hindi nasunod ang kanta niya na kahit maputi na ang buhok ko! Knows n’yo?

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

14 thoughts on “Ibinuking si Sen. Chiz Escudero
Kris Aquino, umandar na naman ang pagkataklesa!

  1. Pare pareho lang kayong mga taklesa di uunlad ang ekonomiya ng bansa sa mga katulad ninyo hoy mag balita naman kayo ng may laman di yung sa mga walang ka kwenta-kwentang tao!!!!!

    • Lola dun po kya s page ng editoryal o ng bisnis news o s science & technology eh pumunta kayo d2 s entertainment tapos mgreklamo kau ng walang kwenta d2 alam nyo nmn n tsismisan d2 eh tanga po b kayo?????

    • ikaw ang walang kwenta…nasa entertainment section ka…ilusyonada…if i know katulong ka lang…maglinis ka na ng kubeta…mamura ka pa ng amo mo….

  2. ano ba yan…si jennelyn at luisa…maghihiwalay na raw…dahil natuklasan na bading si luisa…ai naku napakatanga naman ni jennelyn…ngayon lang nalaman….matagal na bading yan… asan ka na ba…nancy…anne…angel…bwa ha ha ha….ang saya saya sa pilipinas…its a gay gay world…bwa ha ha ha ….its really more fun in the phils…bwa ha ha ha…mga pasaway kayo…hi hi hi….

  3. KRIS IS A VERY GOOD HOST !I LIKE HER KAHIT TAKLESA SYA!NAKAKATUWA! WALANG WALA SI SHARON CUBETA !WALANG KABUHAY BUHAY MAGHOST!

  4. kaya nga aliw na aliw kami sa panonood ng KrisTV, tawa pa lang ay tuwa na kami kaya pati haribo na gummy bears binibili na rin namin hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.