Ibinuking ni Ruffa Gutierrez: DJ Mo Twister at Rhian Ramos, nagkakamabutihan na?!

DAHIL SA PANLALAGLAG ni Ruffa Gutierrez kay DJ Mo Twister sa Paparazzi, nagkabukingan tuloy na may namumuong magandang relasyon sa kanila ni Rhian Ramos.

Paliwanag ni DJ Mo, sa Twitter account lang daw nila ang source ni Ruffa kung bakit niya sinabing magkasama sila ni Rhian sa Paris. Pero itinatanggi ito ni Mo at ang sabi, sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho lang ang kasama niya. Nu’ng nasa Paris daw siya, nasa Europe din daw nu’n si Rhian pero hindi lang knowing kung saang bahagi ng Europe.

Kaya lang naglabasan na ngayon ang mga tsikang may relasyon talaga itong sina DJ Mo at Rhian na tiyak itatanggi naman nila iyan.

Siyempre, may pinag-usapan naman kami ni DJ Mo na hindi ko muna puwedeng i-share dahil nag-promise naman ako, kaya wala na akong puwedeng maidagdag diyan.

Tumanggi naman si DJ Mo, wala pang sinasabi si Rhian dahil nasa Amerika pa ito. Pero pagdating niya, magkakaalaman din ‘yan. Iyan ay kung magsasalita si Rhian ng totoo.

Naloloka na nga ngayon si DJ Mo sa mga isyung kinasasangkutan niya dahil bukod dito kay Rhian, meron pa siyang hinaharap na kaso sa GMA-7 at pinapa-isyuhan na nga ng TRO.

Nakatakdang mag-hearing ngayong linggong ito at doon malalaman kung maiisyuhan ng TRO si DJ Mo.

I’m sure hindi titigil ang bibig niyang si DJ Mo. Abangan na lang natin!

HINDI NA NGA itutuloy ng GMA-7 ang Sinenovela nilang Bakit Kay Tagal ng Sandali na dapat ay pagsasamahan nina Maxene Magalona at Pauleen Luna.

Papalitan na ito ng Trudis Liit na dating pinagbidahan ni Gov. Vilma Santos nu’ng nagsisimula pa lang siya bilang child star.

Ang narinig kong gaganap na Trudis Liit ay ang bata sa Watchamakulit, pero hindi pa ito tiyak at ngayong araw raw ipa-finalize. Pero kasali pa rin dito si Maxene at Pauleen, bale support na lang sila rito sa bagets.

Si Pauleen siyempre ang kontrabida na dating ginampanan ni Bella Flores. Medyo alanganin ang alaga ko dahil ayaw naman daw niya ng talagang all-out sa pagka-bad girl. Kaya pinag-iisipan pa kung gagawin niya o hindi. Ayaw yata niyang sumunod na Bella Flores. Pero sabi ko naman, baka hindi naman ganu’n na ganu’n ang kuwento dahil siyempre ia-adjust naman nila sa kasalukuyang panahon. Kaya may mga konting pagbabago. Pero tingnan na lang natin dahil nasa Amerika pa si Pauleen kasama ang Eat… Bulaga! group. Halos two weeks sila roon at siguro, roon niya pag-isipan kung gagawin ba niya ito o hindi.

Kasi naman, sinimulan ng kanegahan ‘yung project nila ni Maxene kaya ‘yun tuloy ang nangyari.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

17 thoughts on “Ibinuking ni Ruffa Gutierrez: DJ Mo Twister at Rhian Ramos, nagkakamabutihan na?!

  1. Sus..Lolit mag retire kna nga.! Puro paninira na lang ginagawa mo. Na hurt lang gma sa pagkawala ni Mo.. dahil natira sa knila sa gurang katulad mo..

  2. Hinde ako maniniwala–besides wala ngcredibilidad si ROPAH….Rhian and DJ Mo together? It’s like Honey and Acitone! Imagine! Yak!

  3. so it’s true na pinagtatakpan lang ang playgirl image ni rhian coz magagalit ang tita at mommy nya! kahit sinong lalake pinapatulan maelya kasi ang girlet!

    • true yan,matagal na ang chika na may relasyon silang dalawa, i remember mga 2 yrs ago may nakakitang naglampungan ang dalawa sa car.but anyways,nothing wrong with that,choice yan ni rhian,magaling mambola itong si dj mo.

  4. Ang alam ko…BAKLA SI DJ MO.

    Matindi ang pagka crush niya ke Hayden Kho.Pero dahil libre siya lagi sa trip kasama si Hayden Kho at Vicky Belo…siempre courtesy of Belo…type na din niya na maging DYULALAY AT PHOTOGRAPHER NG DALAWA.

    Sinabi mismo ni Alfie Lorenzo na isa sa mga madaming bakla ng showbiz si DJ MO!!

  5. threesome tayo ni cristine @ pauleen

    __________
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net

  6. dapat bang maging choosy pa si pauleen, hindi naman sya pwedeng maging lead star, look at glaiza de castro, ok lang maging kontrabida pero may career din sya ang as singer, kung talagang talented hindi dapat matakot, baka iwas lang talaga sya kay maxene

Leave a Reply

Your email address will not be published.