Ibigay mo na, Jessa!

Humanda ka, Rosalinda, dahil ang phenomenal diva ng showbiz, kontrabida na!

Unang nagsimula bilang aktres si Richelle Ann Mallari Loyola Avansado o Jessa Zaragoza. Supporting roles ang kinarir niya pero noong 1996, bigla na lang niya tayong kinabog nang humataw ang kanyang awiting “Bakit Pa?”. Umani ito ng sextuple platinum at diamond record award na naglunsad sa kanya bilang “The Phenomenal Diva.”

Pero malalim ang baon ng pana ni Kupido kay Jessa dahil iniwan niya ang blooming career para maging isang full time housewife ng singer/ actor na si Dingdong Avanzado at mommy sa kanilang little girl na si Jayda. Nawala si Jessa sa limelight ng Pinoy showbiz pero aktibo naman ang karera nilang mag-asawa sa US kung saan nagkaroon sila ng kabi-kabilang concerts at shows.

Pero dahil kakabit na nga yata ang intriga, muling umingay ang pangalan niya nang makairingan niya si Rufa Mae Quinto dahil sa tell-all interview ng huli sa isang entertainment magazine.

Dati pala, frenship itong sina Rufa at Jessa habang exclusive date ng una si Dingdong. Pero sa dahilang kay Dingdong na lang, si Jessa ang kanyang pinakasalan.

Ngayong nagbabalik-telebisyon si Jessa, iniintriga na naman siya lalo pa’t malaki ang posibilidad na magkita sila ni Booba sa bakuran ng Kapuso. Kampante naman si Jessa na kaya niyang harapin ang dating nakairingang aktres lalo pa’t pare-pareho na raw silang nakapag-move on na.

‘Yun naman pala, eh! At sa mga nagsasabing wala nang karir si Jessa, abangan na lang kung ano’ng ibibigay niya bilang kontrabida sa newcomer na si Carla Abellana, A.K.A Rosalinda.

Ni Mayin de los Santos, Photos by Ronnie Bernaldo and Luz Candaba

Click to enlarge.

loading...

One thought on “Ibigay mo na, Jessa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.