Ibasura si Paulate at Sugal sa Bacoor

HINDI MASAMANG ma-ngarap para sa isang onorabol na konsehal na kumandidato muli.

‘Yan, parekoy, ay kung may maganda siyang ginawa o ipinakita sa loob ng panahon ng kanyang panunungkulan!

Suriin natin itong si Hon. Councilor Roderick Paulate ng ikalawang distrito ng Quezon City.

Inihalal siya ng kanyang mga ka-distrito sa paniniwalang may maganda siyang magagawa sa Kyusi.

Pero ayon sa ating tawiwit, mula nang maluklok sa poder ang artistang ito, wala na ngang magandang proyekto na naipakita, aba eh, puro absent pa sa session ang ginawa!

Ang masakit, nangangarap pang kumandidato uli!

Para ano po onorabol Paulate at magpapa-reelect ka pa?

Hindi ba’t ang dahilan ng pagiging absentero mo ay wala ka nang ganang magtrabaho sa Konseho ng Kyusi?

O, eh ba’t hindi ka na lang mag-concentrate sa pelikula para naman makapagluklok ang mga taga-2nd Dist. ng Kyusi ng konsehal na handang magtrabaho sa Konseho!

Sabagay, karapatan ‘yan ni onorabol Paulate na magpapili muli.

At karapatan din naman ng mga taga-Kyusi na magpagago muli!

Bwar, har, har! Para sa akin, ang ginagawa mong ‘yan ginoong onorabol ay sandamakmak na… p’we!!!

 

TAHIMIK, SUPER-BAIT at maunawain sa kanyang mga tauhan.

‘Yan, parekoy, ang description ng maraming pulis-Cavite rito sa Chief of Police ng Bacoor na si Col. Edgar Roquero.

Kaya naman, sa sobra niyang kabaitan ay marami ang nagsasamantala!

Isa na d’yan parekoy ang isang empleyado ng Bacoor na sa pag-aakalang may maitutulong sa istasyon ng pulisya ay roon ito ini-assign.

Ayon sa mga sumbong, itong si Ace Bakla ang nagpapakilalang “bagman” ni Col. Roquero sa mga parating mula sa iligal na sugal.

Kaya naman sumobra ang yabang ng baklang ito, na kahit siya ay isang sibilyan ay daig pa nito ang “espi-uten” (SP010) kung umasta!

Ang lingguhang parating sa istasyon mula kina sakla king Jessie Bulag at lotteng lord Kapitan Randy ay dito duma-daan kay Ace Bakla!

Tsk, tsk, tsk, puro bukol daw ang inaabot ni Col. Roquero mula sa baklang ito dahil nga sa sobra niyang kabaitan!

Col. Roquero sir, aba eh, gising! Bago pa salaulain nang husto nina Ace Bakla ang iyong pangalan!!!

 

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood din ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa junbriones69@yahoo.com o CP No. 09321688734.

 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.