Ibang Opsyon Kontra Panghihimasok ng Tsina, Pinag-aaralan

PATULOY PA rin umano sa pagtanggi ang China na tugunan ang inihaing diplomatic protest ng Pilipinas kaugnay sa pananatili ng mga Chinese vessels sa bahagi ng Ayungin Reef sa West Philippine Sea.

Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez, na ina-assess na umano ng pamahalaan ang opsyon na maaring gawin para igiit ang karapatan at sobereniya ng Pilipinas sa area.

Una nang iginiit ng DFA na sakop ng Exclusive Economiz Zone ng bansa ang nasabing area kung kaya’t malinaw umanong paglabag sa sobereniya ng Pilipinas ang pananatili ng mga dayuhang sasakyang pandagat.

Ang Ayungin Reef ay sakop ng munisipyo ng Kalayaan sa lalawigan ng Palawan.

Samantala, sa panig naman ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, sinabi ng kalihim na base sa ulat ng Philippine Navy, matagal nang nagsasagawa ng fishing activity ang mga Chinese sa nabanggit na lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.