IBALIK SA BASURAHAN ANG MGA RECYCLED NA OPISYALES!

NITONG MGA NAGDAANG linggo, du-magsa ang mga reklamo sa akin mula sa iba’t ibang samahan at indibiduwal na OFW mula sa Hong Kong at Europa.

Ang unang reklamo ay may kinalaman sa maluho raw na lifestyle ng ambassador natin sa Greece. Madalas daw siyang makita sa mga entertainment centers at kung umasta raw ay parang marangya at maunlad na bansa ang kanyang kinakatawan. Ipinadala ko na sa DFA ang mga kaukulang sumbong.

Ang mas matinding isyu na nais kong ilapit sa DoLE ay ang pagmaltrato ni Labor Attache Romulo Salud sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa Hong Kong. Bastos daw talaga itong Salud na ito. Noong unang makatanggap ako ng reklamo tungkol sa kanya, hindi ko muna ito inilabas at nagtanong tanong muna ako sa DFA. Isip ko’y baka may naninira lang sa kanya.

Pero nang dumagsa na ang nakasulat na complaint laban sa kanya mula sa mga NGOs sa Hong Kong, nakumbinsi na ako na salbahe talaga ang opisyal na ito ng ating konsulada sa Hong Kong.

Noong nakaupo pa ako sa Kongreso, nagpanukala ako ng batas na gawing kasong kriminal ang pagpapabaya at pagmamaltrato ng mga opisyales natin sa embahada at konsulada sa ating mga OFW. Hindi ito nakapasa dahil masyado raw itong malupit. ‘Pag pala minamaltrato ng mga labor attache o welfare officer ang mga OFW, hindi ito malupit.

Kaya muli naming inuulit ang kahilingan ng mga OFW: IPA-RECALL SI ROMULO SALUD AT ANG IBA PANG ABUSADONG OPIS-YALES NG MGA EMBAHADA AT KONSULADA SA IBA’T IBANG BAHAGI NG MUNDO!

Iyan ang problema kapag ang mga opisyales natin ay mga recycled na mga tao mula sa nagdaang administrasyon.

Si Ambassador Tiglao ng Greece ay recycled.

Si Sec. Romulo ng DFA ay recycled.

Patunayan mo Sec. Baldoz na kahit ikaw ay recyled din, kaya mong magpakitang  gilas sa iyong posisyon!

‘Yan po ang problema, Ginoong Pangulong Noynoy—ang mga opisyales na ganyan na patuloy na nakaangkas sa iyong administrasyon. Kahit ano pang pakitang panlabas mo ng pagkain ng hotdog sa bangketa ng New York at pagbawal sa wang-wang, kung ganyan naman ang pag-uugali ng mga bata mo, ang administras-yon mo ay tulad ng isang bahay na may mahusay na ama ngunit dahan-dahang nginangatngat ng anay at bukbok.

Kung ayaw mong maniwala sa akin, paminsan-minsa’y manood ka sa YouTube ng mga gawi ng mga bata mo.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

By Atty. Ome Candazo

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

By Atty. Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.