Iba pang ‘pasaway’ na kumpanya ng bus, habulin din

NANAWAGAN SI House Metro Manila Development Committee chairman at Quezon City Rep. Winston Castelo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na habulin din ang iba pang mga kumpaniya ng bus na may mga paglabag sa probisyon ng kanilang prangkisa tulad ng Don Mariano transit.

Naniniwala si Castelo na marami pang mga pasaway na bus company na dapat matukoy ng LTFRB at mapatikim din ng nararapat na pagdisiplina.

Ikinatuwa naman ng mambabatas ang pagkansela sa prangkisa ng 78 bus units ng Don Mariano transit.

Sa kabilang dako, umaapela naman si Castelo sa LTFRB na huwag pabayaan ang mga empleyado ng Don Mariano transit na nawalan ng trabaho para irekumenda ang mga ito sa ibang kumpanya ng bus pero siguraduhin munang pasado sila sa training sa road safety.

Maaalala na ang Don Mariano transit ay tinanggalan ng prangkisa kasunod ng pagkakahulog ng isang unit nito sa Skyway, iba pang mga kinasangkutang aksidente at mga paglabag sa alituntunin ng LTFRB.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.