Iba pang nalalaman sa pork scam ibubunyag ni Cunanan sa Senado

TINIYAK NG Department of Justice (DoJ) na hindi pipigilang magbigay ng kaniyang pahayag kaugnay ng kaniyang nalalaman sa PDAF scam ang bagong testigong si dating Technology and Resource Center (TRC) Director General Dennis Cunanan sakaling humarap ito sa Senate Blue Ribbon committee.

Sinabi ni DoJ Secretary Leila de Lima na papayagan ng ahensiya na makadalo sa isasagawang pagdinig si Cunanan sakaling ito ay ipa-subpoena ng Senado.

Ayon kay De Lima, tulad ni Tuason na nasa ilalim ng provisional witness protection program sa pork barrel fund scam, magiging ganito rin ang papel ni Cunanan para humarap sa proceedings ng Senado.

“Yes. We’ll allow him to appear before the Senate Blue Ribbon Committee, if subpoenaed. Like Ruby Tuason, he also expressed willingness to testify before said body. Part of their undertaking as WPP-covered witnesses is to cooperate in any and all official proceedings relative to the subject matter of their testimony, here, the PDAF scam,” pahayag pa ni De Lima.

Nabatid na si Cunanan ay sinasabing may alam sa transaksiyon ng mga mambabatas sa NGO ni Janet Lim-Napoles gamit ang TRC kung saan siya ay nanilbihan noon.

Kabilang din si Cunanan sa mga nakasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.