Iba pang Imported Noodles, Susuriin sa Nakaka-Kanser na Kemikal

SUSURIIN NA rin ng Food and Drugs Administration (FDA) ang iba pang imported noodles na i-binibenta sa merkado.

Kasunod ito ng pag-recall sa anim na Korean noodles na una nang nakitaan ng cancer-causing chemical ng Korean FDA.

Ayon kay FDA Deputy Director Nazarita Tacandong na nangolekta na sila ng mga noodles gaya ng Japanese ramen para kanilang suriin.

Sinabi ng opisyal na kahit weekend ay tuluy-tuloy ang kanilang mga tauhan sa pagsusuri sa mga noodles at agad nilang ilalabas ang resulta ng analysis sa publiko o sa kanilang website, www.fda.gov.ph.

Nilinaw rin ni Tacandong na tanging ang anim na brands ng Korean noodles na gawa ng Nongshim Company Limited na may specific expiry date ang ipina-recall ng FDA at hindi kasama sa pagbawi ang mga kaparehong brand na may ibang expiry date.

Samantala, narito ang listahan ng mga ipina-recall ng FDA: Nongshim neoguri (hot) Expiry dates : Oct. 11, 2012; Nov. 11, 2012; Nongshim neoguri hot multi Expiry dates: Oct. 11, 2012; Nov. 11, 2012; Nongshim neoguri (mild) Expiry dates: Oct. 28, 2012; Nov 17, 2012; Nongshim big bowl noodle shrimp Expiry dates: Nov. 4, 2012; Nov. 29, 2012; Jan. 10, 2013; Jan. 30, 2013; Nongshim saengsaeng udon bowl noodle Expiry dates: Sept. 30, 2012; Oct. 22, 2012 at Nongshim saengsaeng udon Expiry dates: Aug. 28, 2012; Oct. 8, 2012.

Mismong ang Korean FDA ay ni-recall na ang nabanggit na mga produkto dahil sa pagkakaroon ng cancer-causing chemical na benzopyrene, dagdag pa ng opisyal. (PARAZZI

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Iba pang Imported Noodles, Susuriin sa Nakaka-Kanser na Kemikal

Leave a Reply

Your email address will not be published.