Iba pang dawit sa Pork Scam, ‘di ginagalaw

EKSAKTONG IKA-200 araw matapos na ilabas ng Commission on Audit (COA) ang ulat nito noong Agosto 14, 2013 kaugnay ng umano’y pagkakadawit ng 32 iba pang mambabatas sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam ay wala pa rin umanong aksiyon ang administrasyong Aquino sa rekomendasyon ng komisyon.

Sinabi ni United Nationalist Alliance (UNA) secretary general Toby Tiangco na wala pang anu¬mang konkretong aksiyong ginagawa ang Palasyo, maging ang Department of Justice (DOJ), sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI), laban sa mga pinangalanang mambabatas sa 2013 COA Report na nagsabing nag-transfer ang mga ito ng mahigit P1.7 bil-yong “pork” sa mga kahina-hinalang foundations at non-government organizations.

Aniya, mahigit nang anim na buwan ay hindi pa rin nakapagsasampa ng kaso kontra sa mga kasapi ng Liberal Party at mga kaalyado nito na nabanggit sa ulat ng COA sa pork barrel fund.

Inihayag ni Tiangco na halatang-halata at kahina-hinala na ang kaso ay naka-pokus sa mga kasapi ng oposisyon, na malinaw aniyang may cover-up na nangyayari.

Maaalala na sa 2007-2009 COA Report, tatlong senador at 32 miyembro ng House of Representatives ang sinasabing ang mga pondo ay ini-release sa implementing agencies ngunit ang pera ay idinivert sa mga bogus NGOs.

“As a matter of fact, there are 192 solons tagged in the COA Report with a combined amount of P6 billion of misused funds that are totally unaccounted for. Ano na ang balita sa second batch na kaso ng NBI? May mga kaso na ba silang isinampa laban sa mga taga-administrasyon?” ani Tiangco.

Malinaw rin aniya na mismong ang Department of Budget and Management (DBM) ang humahadlang sa PDAF probe dahil sa pagkabigo nitong magbigay ng mga mahahalagang dokumento at datos sa COA at NBI.

Naniniwala rin si Tiangco na ginagamit ng kasalukuyang administrasyon ang COA, NBI at maging ang Ombudsman para wasakin ang mga kasapi ng oposisyon, bagama’t wala pa aniyang linaw kung may plano ang gobyerno na bumuo ng malakas na kaso laban sa tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.