Ian de Leon, gustong bumawi sa inang si Nora Aunor

DALAWA SILA NG kapatid niyang si Matet na walang puknat sa palitan ng text messages sa akin para lang kumustahin ang kanilang inang Superstar na si Nora Aunor.

Nang dumating mula sa Amerika si Ate Guy, nakasama na nito over dinner ang lahat ng kanyang anak, pati na ang mga anak ng mga anak niya.

At sa maraming pagkakataon, sina Matet at Ian de Leon ang lubhang concerned sa kanilang ina. There was even a time na minasahe pa ni Matet ang kanyang ina dahil nakita nito ang matinding pagod mula nang bumalik nga sa bansa.

Nang mag-Fans Day sa Broadway si Ate Guy, present doon sina Ian at Matet at kasama pa ni Matet ang mga anak niya, pati na ang isa pang kapatid nila na si Kenneth. Si Ian ang may pinakamadamdaming nasabi sa pagbabalik ng ina.

Sumama si Matet sa Walk of Fame pati na ang kanyang asawang si Micky.

In the days to come, kasama na si Kenneth sa nakikipagpalitan ng pagdalaw sa kanilang mahal na ina.

Kaya nga tuwang-tuwa si Ian nang ibigay sa kanya ang role na dapat sana eh, gagampanan ni Ryan Agoncillo para sa mini-seryeng sasalangan ng ina, sa Sa Ngalan Ng Ina sa TV5.

Muli na naman silang nag-bonding ng Superstar nang ganapin ang story conference nito kung saan nga nagsama-sama sila, pati ng Papa Boyet (Christopher de Leon) niya.

“Parang ‘I Love You, Mama, I Love You Papa’ lang ang feeling. Lumaki nga lang ako! Masaya. Siyempre, ‘yung makita lang silang magkasama na ganyan, okay na ako. Ang tagal na panahon din naman nu’n na wala talagang communications sa pagitan nila. Siguro, through this pro-ject, ang gusto lang naman naming mga anak nila, kahit nagkanya-kanya na sila, maging happy pa rin sila being friends. Sa trabaho naman nila, wala nang kuwestiyon, pareho silang magaling and I know, marami sila uling mapapasayang mga tagahanga nila sa pagsisimula nito.”

Their next bonding came nang mag-pictorial na ang cast ng nasabing palabas. Kung na-break ang ice sa story con nila, sa pictorial naman done by Pancho Escaler eh, mas playful na ang tatlo.

Kaya, sa pagkikita-kita nila sa set eh, siguradong si Ian ang magbe-benefit. Though sa Papa niya siya nag-i-stay, iba pa rin ‘yung mas madalas niya ngayong makakasama kahit sa set na ang kanyang na-miss na ina!

Gaya ni Matet-gusto rin ni Ian na magkaroon siya ng personal touch pagdating sa pag-aalaga sa kanyang inang malamang na magawa niya sa magiging madalas na pagkikita nila sa set nila sa Taal, Batangas!

 

USAP-USAPAN NGAYON ANG diumano’y naganap na paninita ni Carla Abellana, na leading lady sa My Neighbor’s Wife ni Jake Cuenca, kasama sina Dennis Trillo at Lovi Poe sa isang reporter dahil sa mali-mali raw na isinulat nito at wala namang interbyuhan sa pagitan nila ng nasabing reporter.

Pagtatanggol naman daw ng reporter sa sarili, nagsulat siya ng mga bagay kay Carla base naman sa publicity slant ng Regal Films na ibinigay o ipinadala lang sa kanya.

Bongga namang mediator si Mother Lily Yu Monteverde. She praised Carla sa work ethics nito. Pero diumano’y binanatan ang manager ni Carla na si Arnold L. Vegafria. At para maayos si Carla at ang reporter na inireklamo, itse-check daw niya kung sino ang gumawa ng nasabing press release o publicity slant.

Itinutuon ni Mother ang issue sa pagpapahiram ni ALV kay Carla kay Governor ER Ejercito sa Asiong Salonga na sinasabi ni Mother na hindi niya nalaman. Kaya nga ang say raw nito, may breach of contract na ginawa si ALV.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.