Ian Batherson, at home na sa ‘Pinas

NAKASALUBONG KO SI Ian Batherson na naglalakad sa Timog noong Sabado, November 20. Nakakatuwang isipin na kahit may pangalan na kahit papa’no ang Starstruck avenger na ito ay naglalakad lang ito nang mag-isa.

Inusisa ko si Ian kung ano na ang kanyang career path sa ngayon at inamin niyang maganda naman daw ang plano sa kanya ng kanyang home studio at mayroon na raw siyang sisimulang bagong serye sa darating na January 2011.

Ngayong malapit na ang Pasko, uuwi kaya siya ng States para du’n mag-spend ng Christmas? “Dito po, dito pa rin. Kahit Holiday, gusto ko talagang magtrabaho nang maayos. Kasi Philippines is my home now, kasi kapag umuwi ako sa States, parang tatamad ako du’n.

“So parang gusto ko rito, kasi an’sarap ng atmosphere, ‘yung kultura na Pinoy. Inaayos ko pa ‘yung Tagalog ko, parang naramdaman ko ngayon na at home na ako rito sa Pilipinas, pero kailangan ko ng maraming improvements.

“So, parang I need to stay here, I need to concentrate, kasi kung hindi ako mag-concentrate dito hindi maging mabuti ‘yung career, ‘di ba? So marami akong blessed oppurtunities sa career dito. So, parang I just need to go with the flow and do my best.”

IBANG LEVEL NA talaga ang takbo ng career ng aking nanay-nanayang si Miss Cristy Fermin, dahil bukod sa dalawang TV shows sa TV5, ang Juicy at Paparazzi, at daily radio showbiz talkshow na Cristy Ferminute (92.3 NewsFM), nakatakda namang umere sa darating na December 8 ang kanyang bagong palabas sa telebisyon, ang Star Confessions. Napapanahon ang kanyang programa dahil mahilig talaga ang Pinoy sa mga kuwento ng buhay ng mga artista sa likod ng camera.

Nakakatawa ang binitawang linya ni ‘Nay Cristy nang kausapin siya sa pamamagitan ng telepono ng bossing ng TV5 na si Mr. Perci Intalan upang ipaalam sa kanya ang naturang project. Ito kasi ang nabitawang salita ni nanay: “Pagsalitain mo na ako ng ilang oras, huwag mo lamang akong paartehin.”

Ang Star Confessions ay tatalakay sa mga lihim na hindi pa nabubunyag, mga pagpupunyagi, mga paghihirap at tagumpay at mga ngiti at hikbi sa totoong buhay ng artista. Abangan ang nalalapit na pagsasahimpapawid ng panibagong show na tiyak na pag-uusapan hindi lamang sa apat na sulok ng showbiz, kung hindi maging sa bawat tahanan ng bawat Kapatid.

LUMABAS SA JUICY noong Miyerkules ang panayam kay Madam Auring tungkol sa kanyang bagong boyfriend. At dito nagbigay siya ng mensahe sa lahat ng mga nang-iintriga sa kanya at sa kanyang bagong lovey-dovey. Aniya, “Ay naku naiinggit lang kayo, dahil ang mga lalaki ko, dumadating na kusa… apat na taon akong nag-antay… kung ako siguro nanlalaki, sa dami ng mga pumipila, mga younger people, 22 years old, 21… ayoko dahil hindi tumitibok ang puso ko.

“Pero kay Mack, tingnan n’yo ang mukha ng puso ko ngayon… meron ba kayo nu’n? Anong say n’yo? Kaya n’yo bang mag-boots ng naka-gown? Ako lang ang nakakagawa ‘nun,” mahabang kuwento ni Madam Auring.

Ilusyon ba ito o totohanan? Mahulaan kaya ni Madam?

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “Ian Batherson, at home na sa ‘Pinas

  1. Echosera tong matandang to ! Malamang Massage boy mo lang yan sa victory mall, naku huh ! parang yung dati mong boyfriend , boy mo pla ,bayaran pra lang mpguspan ..!!!

  2. korek ka dyan girl! sobrang gwapo ni fafa ian,nakita ko na xa at nakausap in person,grave girl,ang bait nya,kilig to death me…pray n lng ntin ang career nya…love u ian

Leave a Reply

Your email address will not be published.