I need a Hiro!

May bagong kinalolokohan ang mga kababaihan at mundo ng mga fashionista ngayon. Hindi ito bagong moda ng pananamit at hindi rin naman ito kakaibang style ng sapatos o hairdo. Si Akihiro “Aki” Sato ang kumakabog sa industriya ng fashion sa Pilipinas ngayon. Kilala bilang partner endorser ni Karylle si Akihiro ng Blue Water Day Spa. Half-Japanese at half-Brazilian model si Aki at ipinagmamalaki niya ang tatlong tattoo na Japanese characters ng sun, woman at love sa gilid ng kanyang tiyan. Nag-aaral siya ngayon sa University of the Philippines ng Tagalog at desidido nang manirahan sa Pilipinas.

Kahit na sa Brazil tumira at lumaki si Aki, sumugal siya rito sa Pilipinas sa pagmo-model. Sino ba’ng mag-aakalang titilian siya ng kababaihang Pinay kaya naman numero uno sa si Akihiro sa listahan ng mga designers. Endorser na rin siya ng Penshoppe ngayon at lalabas siya sa pelikulang Handuman. O ‘di ba, bongga? Gusto nga raw ni Akihiro na sumabak sa larangan ng pelikula at teatro kaya naman magandang opportunity ang makatrabaho ang Urian awardee na si Jason Abalos at si Chin Chin Gutierrez. Well, abangan na lang natin kung umubra ba ang Brazilian model na ito kay Papa Jason pagdating sa aktingan, ano?

By Faith Salazar
Photos by Fernan Sucalit

Related Post

loading...

One thought on “I need a Hiro!

  1. kamukha mo na si Nakata. ang galing mo, nag-aral ka ng tagalog.mag-aral ka ring mabuti ng kanji ha? para alam mo tamang pag-gamit. maganda sana kung naging 太陽 o 陽 yung sun mo, ayan tuloy.tinanong mo muna sana sa tatay mo.pero ok lang yan di naman nila alam.tsaka pag trinanslate mo sa english sun din naman, di nga lang ginagamit ng hapon pag sinasabing sun. tsaka cute ka naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.