I don’t betray my people – Enrile

NAGBALIK NA sa Senado si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile matapos maratay sa pagamutan  dahil sa alta-presyon.

Sinabi ng mambabatas na sumobra ang kanyang intake ng tubig kaya umabot sa critical level ang sodium sa dugo. Nahirapan din aniya siyang umihi.

Sa kanyang pagbabalik, agad namang nilinaw ni Enrile na hindi niya ugali ang pagtraydor sa mga tauhan. Pinatungkulan niya rito ang chief of staff na si Gigi Reyes na una nang binatikos ang mambabatas dahil sa paglaglag sa kanya.

“I am not one to betray any of my people or my staff. I’ve never been known for that,” ani Enrile.

Samantala, tumanggi naman siyang sagutin ang mga isyu hinggil sa kasong plunder sa Ombudsman dahil sa pagkakadawit sa pork barrel fund scam.

“I would not want to discuss my case if you don’t mind. I would rather wait and face the music in the courtroom,” ayon sa senador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.