Larawan sa Canvas: I’m Pauleen in love, Poleng for her… finally!

Naks, ang hirap ‘ata ng inyong kaparazzi na makapasok sa bagong studio ng GMA-7 Kapuso. Medyo matagal na rin akong hindi nakakapasok sa loob ng ‘new building.’ Eh, aba naman! Mabuti’t nakikilala ako ng drayber, kinawayan ako at sinamahan sa guwardiya kaya ako naka-enter. Siguro tumutupad lang sila sa kanilang tungkulin pero kataka-taka naman at dati naman akong welcome sa Startalk sa luma pang studio. ‘Di na rin tuloy ako makapasok sa iba pang programa ng Kapuso.

Ang katotohanan, nakipag-usap na ang aking opisina, kay Angel Javier ng Corporate Affairs para sa guest list. Tila ‘di ‘ata kilala ng mga guard. Grabe na, ‘toh! Nitong huling paalis na ako matapos interbyuhin si Pauleen Luna, tila hinamon pa ako ng guwardiya na kunin ko pa ang pangalan nila at natatawa. Naks! Nakadame na ‘to, ha?! Grabeh! Ano naman kayang mapapala ko kung patulan ko sila? Dagdag pa ng guard, sa susunod ‘pag wala silang ‘order’ ‘di muli ako makakapasok . Alam kaya ito ng management? Hindi kaya ako makapaniwala.

Nakangiti at tahimik lang kaya ako sa loob ng studio. Ano kayang meron? Why oh, why? Sana sabihin nila at masunurin naman tayo sa mga policies. Nagtatanong lang po.

‘Di bale, isalarawan na lang natin ang isyu kay Pauleen Luna. Kilala siya sa pagiging host ng longest running noontime show na Eat… Bulaga! kung saan kilala siya sa tawag na Baby Poleng sa loob ng 5 years na ngayon.

Pauleen, hello! Ano ang ipino-promote mo ngayon? “Ano po, ‘Ikaw Sana,’ ‘yung soap opera ko with Mark Herras and Jennylyn Mercado.”

Abangan kaya natin. How’s your lovelife? “Ah, zero, I’m not seeing anyone.”

Talaga! Linawin kaya natin. Ano raw iyong involve ka sa isang… anak ng businessman na Tsinoy? “Ah, wala po, wala po… Ah. I work po four times a week tapings, everyday Bulaga so I really don’t have time diyan. I’m just being friends with everyone so wala po akong… hmmm… I’m very single and I’m very focus po sa work ko.”

Itinanggi niya ito dahil ayon sa kanya ‘di siya gimikera at wala siyang oras. “I enjoy being at home, masaya na ako watching DVD kasama iyong kapatid ko. Nakakatatlo o apat na pelikula po ako.”

Wow, ha?! Actually maaaring makatulong ito sa acting career niya, ang panonood ng mga pelikula. Napag-aaralan niya ang acting styles at abilities, body movement, facial expressions. Ahem! Ano ang mga hilig mong alahas? “Po?!!!  Mga Diamonds!”

Talaga? Nakita ko kasi ang suot niyang diamonds. Whoaah, galing naman! Eh, ‘di ang mamahal nu’n? “Medyo po, hehehe.”

Pero ok, naman siya, good investment, dagdag ko. Ano nang mga naipundar mo? “Ah, meron na rin po akong konting business, boutique, named Reborn, apartment at family business – gasoline stations.”

Naks, huh! Sampung taon pa mula ngayon bilang artista ano ang iniisip mo ngayon? “Siguro po may pamilya na po ako nu’n. Siyempre, 31 na ako nu’n, after 10 years baka meron na akong anak.”

Patuloy ka pa ring mag-aartista? “Ay, opo! Kung bibigyan pa rin ng pagkakataon.”

Well, ah… paggising mo sa umaga anong unang ginagawa mo? “Ah, ako naliligo po ako kaagad; kasi po ano, eh, sobrang late po palagi akong gumigising, eh.”

How about coffee? “Yes, coffee.”

Sa likod ng kamera sino talaga si Pauleen? May time ba na medyo nai-inspire ka rin, pero minsan naiisip mo rin kung dapat ba o ano? “Hahahaha. Wala talaga!”

Bakit? “Hindi naman po, kaso minsan hindi mo naman mapipilit.”

Well, ano’ng favorite mong pagkain? “Ah, favorite food? Chicken po!”

Dagdag ko, ‘Ah with wings!’ Hahaha…. “Hoo?!” Saka niya dinugtungan ng malakas na tawa.

Well, anupaman ang paningin at pananaw natin sa isang artista, marahil dahil lang ito sa nasa likod sila ng tabing ng pelikula at telebisyon ngunit manatili sana ang ating respeto. Gayunpaman, kaming mga writer, malaking bahagi sa mga papel nito, ‘bad or good publicity,’ malaking tulong sa mga artista at sa kanilang career.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.