Huwes na Pumabor kay Echiverri, Kinasuhan ni Erice

KINASUHAN NI Bise Alkalde Egay Erice sa Office ng Court Administrator ng Korte Suprema si Caloocan City Regional Trial Court Judge Dionisio Sison matapos na mag-isyu ito ng writ of preliminary injunction na pumapabor sa suspendidong Mayor Enrico Echiverri.

Si Echiverri ay isinailalim sa preventive suspension ng Office of the Ombudsman noong July 2011 makaraang hindi mag-remit ng GSIS premium ng mga city hall employee na nagkakahalaga ng P15.8 million.

Inayunan naman ng Court of Appeals ang OMB’s preventive suspension order ni Echiverri subalit nang magharap ng petisyon si Echiverri sa RTC para sa declaratory relief order ng Court of Appeals ay humantong sa pagpapalabas ng temporary restraining order na iginalang naman ni Sec. Jesse Robredo.

Ang TRO ay nag-ugat sa 72 oras, subalit nang i-take over ni Sison ang kaso,  ang TRO ay naging 20 days na at nang matapos ito ay agad namang nagpalabas si Sison ng writ of preliminary injunction.

“It is very glaring that Judge Sison scandalously acted with alarming undue haste in rendering his order extending the TRO and issuing a preliminary injunction, all in favor of Mayor Echiverri,” Erice stressed.

“It is obvious and elementary that the RTC has no jurisdiction to rule upon the validity of athe decision of the Court of Appeals. However, notwithstanding the basic precept, Judge Sison appears to be determined to grant all the remedies prayed for by Mayor Echiverri as he refused to even hear the arguments that we submitted,” dagdag pa ni Erice.

Ang reklamo laban kay Sison ay dahil sa paglabag umano nito Section 8 (3) o gross misconduct at sa paglabag sa Code of Judicial Conduct; (4) na nagbibigay umano ng unjust judgment ng order.

Nilinaw ni Erice na si Sison ay hindi sinunod ang cardinal rule kung saan ay hindi nag-observe ng traditional mode of adjudication na nagre-require na ang magkabilang panig ay dapat pakinggan ang kani-kanilang argumento.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.