Huwag nang idaan sa NGOs Pondo, Idiretso sa mga Pampublikong Ospital

INIHIRIT NG mga kawani ng mga pampublikong ospital at health center sa bansa na idiretso na lamang sa kanila ang pondo para sa sektor ng kalusugan imbes idaan pa sa mga mambabatas o mga non-governmental organization (NGO).

Hindi naniniwala ang grupong Alliance of Health Workers (AHW) na kapos sa pondo ang Department of Health (DOH) matapos na umingay at lumabas ang anomalya sa pork barrel fund scam.

Sinabi ng grupo na ang 2014 budget para sa sektor ng kalusugan ay sapat na para ipagamot ang libu-libong mga pasyente na isinasailalim sa dialysis.

Samantala, ayon pa sa AHW, ang pagkontra sa pork barrel ay laban din para sa mga maysakit na lumalaban para sa kanilang buhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.