Pulandit: Huwag lang makikialam si Tiyo Peping!

FRESH START PARA sa bayan ang pagkakaroon ng bagong pangulo sa katauhan ni Noynoy.
Hawak ng batang Aquino ang lahat ng pagkakataon para makapagsimula nang tama sa unang isang daang araw.
Ang honey moon period na tinatawag ay nagaganap sa loob ng tatlong buwan para sa isang bagong administrasyon, dahil dito magsisimula ang lahat ng mga appointments sa mga departamento at mga vital institutions.
Nakatingin ang buong bansa sa mga taong itatalaga ni Noynoy dahil dito siya huhusgahan ng mga nagmamasid na bayan.
Isang bagay na dapat maiwasan ni Noynoy ay ang maulit ang masamang reputasyon ng Kamag-anak, Incorporated na naitatak sa Cory administration.
Ang pagiging sentro ng kapangyarihan ni Peping Cojuangco sa panahon ni Tita Cory ay hindi na dapat maganap kung talagang gusto natin ng bagong simula.
Dapat ding tumulong na si Peping sa kanyang pamangkin sa pamamagitan ng paglayo sa anumang eskandalo at paggamit ng impluwensiya.
Hindi magiging magandang legacy para kay Noynoy ang makakita ng pulutong ng mga nagpoprotesta sa kalsada kung iiral ang impluwensiya ni Tiyo Peping.
Huwag kalilimutan ni Noynoy na marami siyang nakalaban sa eleksiyon. Sapat ang lahat ng mga supporters ng mga natalong kandidato para muling magsama-sama at lumikha ng bagong Edsa laban sa kanya.

ANG PAGIGING AROGANTE ni presidential endorser Willie Revillame ang pinakahuling pako para mailagay sa ataul ang kandidatura ni Manny Villar.
Super-impose ang kanyang kahambugan na nagpahina sa pundasyon ng kandidatura ng kanyang ine-endorsong maging pangulo.
Iniisip na publiko na kandidato pa lamang ang patron, ganoon na kayabang ang would presidential bestfriend.
Hindi lang natin alam kung kaya pang yakapin ng ABS-CBN ang isang taong nilikha nila subalit nang magkaisip at makagalaw ay sila ang unang sinuwag.

ANG ISA PANG malaki ang problema, si Pidol.
Malaking kasiraan din kay Dolphy ang biglaan niyang pagtalikod kay Erap na una niyang inendorso noong 1998 elections.
Hindi maniniwala ang publiko na panatag ang loob ni Dolphy kay Villar gayong kahapon lamang niya ito nakilala, samantalang si Erap ay kasama na niya panahon pa ng Sampaguita pictures.
Kunsabagay, pera-pera na lamang naman talaga ang usapan ngayon.
Katulad din ng mga nagiging huling pelikula ni Doply, flop na rin sa takilya ang endorsement niya kay Manny.
Sa botong limang milyong nakuha ni Villar, hindi natin alam kung worth ito ng kumbinasyong Willie, Dolphy at Pacman.
Malamang ay hindi pa sila ang dahilan kung bakit umabot sa limang milyon ang boto ni Villar.

RESIGNATION NAMAN TALAGA ang dapat gawin nina AFP Chief Delfin Bangit at PNP Chief, Gen. Versoza.
Sa pagpasok ng bagong Pangulo, kailangang mag-resign ang lahat ng mga appointive positions para magkaroon ng maayos na transition.
Ang mga career o permanent position ay puwedeng manatili maliban na lamang kung halatang-halatang hinabol lamang sila para maging permanente bago dumating ang bagong administrasyon.

allanpunglo@yahoo.com

Pulandit
Allan Encarnacion

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.