Hustler sa Pool, Kritikal sa Lasing na Kalaban

KRITIKAL ANG isang hustler sa larong pool matapos tarakan ng hindi pa kilalang lasing na tinalo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak ng tako sa ulo at saksak ng patalim sa katawan si Christopher De Pedro, 21, ng Maria Hizon, North Bay, Manila.

Sa ulat, dakong alas-6 ng gabi nang dumayo ang biktima sa Fishpond, Maypajo ng lungsod kung saan nakalaban ang suspek na lasing sa alak.

Dahil sa likas na magaling ay hindi nanalo ang suspek na naasar hanggang sa baliin ang hawak na tako bago isinaksak sa ulo ng biktima.

Hindi pa nakuntento ang suspek at nagbunot ng dalang patalim bago tinarakan uli sa katawan De Pedro.

Dinala ang biktima sa nasabing pagamutan habang inaalam na kung sino ang suspek.

 (MARY H. SAPICO)  

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.