Sipat-eklat: Hunk Actor, nag-overnight sa resthouse ng guwapong anak ni Meyor!

SIPAT: CERTIFIED FLOP ang CONCERT ni MANNY PACQUIAO sa HAWAII. Na-CANCEL na nga AGAD, e!
EKLAT: ‘Wag na kasing IPILIT na SINGER si PACMAN!

SIPAT: KAWAWA naman ang PRODUCER, NALUGI nang HUSTO.
EKLAT: BALATUHAN mo na lang, MANNY!

SIPAT: SINO raw ba TALAGA ang GINAGAYA ni JOLINA MAGDANGAL?
EKLAT: Ang INTERNATIONAL SINGER na si LADY GAGA… o ang BOYOYONG CLOWNS?

SIPAT: PANSIN ng MARAMI sa REINVENTION kuno ni JOLENS sa SARILI…
EKLAT: TUMATANDA siya nang PAURONG!

SIPAT: HINIMATAY pala si SAM MILBY sa isang PUBLIC TOILET sa JAPAN.
EKLAT: NASOBRAHAN si PAPA SAM… DAMI kasi ng RAKET!

SIPAT: HINDI NAKAPAGTATAKA kung sa PUBLIC TOILET sa ‘PINAS NANGYARI ‘yon.
EKLAT: NAKAHIHIMATAY TALAGA ang AMOY ng PALIKURAN dito, e!

SIPAT: ANO raw ang HITSURA ni PAPA SAM habang NAKABULAGTA?
EKLAT: E, di NAKAPIKIT!

SIPAT: Naks, KINABOG na ni CHARICE PEMPENGCO si BRITNEY SPEARS. Siya na ang bagong POP PRINCESS, sey ng THE NEW YORK POST.
EKLAT: Kaya naman pala may ‘K’ nang MANG-ISNAB ng SHOW si CHARICE…

SIPAT: Pero ‘WAG na ‘WAG na GAGAYAHIN ni CHARICE si BRITNEY, huh!
EKLAT: HINDI kasi nagpa-PANTY ang AMERICAN SINGER!

SIPAT: HINDI naman pala IIWAN ni KRIS AQUINO ang THE BUZZ.
EKLAT: GUSTO niya pang KABUGIN ang bagong SHOW ni RUFFA GUTIERREZ sa TV5, ‘no!

SIPAT: Awww… ang BAIT-BAIT naman ni RICHARD GUTIERREZ, kahit na-DISMISS na ang KASO ni LORAYNE PARDO sa kanya, PAPAG-ARALIN niya pa rin ang mga ANAK ng NAMATAY niyang personal assistant na si NOMAR.
EKLAT: HINDI lang PRESS RELEASE ‘yan. Pramis!

SIPAT: Nasa SOUTH KOREA ngayon si MARVIN AGUSTIN, PINAGHUHUSAY ang SPORTS niyang ARCHERY.
EKLAT: Sana PAGBALIK niya… SUMALANG uli siya sa ACTING WORKSHOP!

SIPAT:NAIMBITAHAN ni MEYOR sa PIYESTAHAN nila sa PROBINSIYA ang HUNK ACTOR. Tapos IPINAKILALA sa GUWAPO niya rin namang ANAK. Kesa UMUWI sa HOTEL niya, sa RESTHOUSE na ni GUWAPONG ANAK ni MEYOR nag-OVERNIGHT ang HUNK ACTOR.
EKLAT: ‘SINO kaya sa KANILA ang TOP at BOTTOM?’ Birada ng MAHADERANG P.A. ni HUNK ACTOR na ang DAMING NAGKALAT na POSTER ngayon.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

12 thoughts on “Sipat-eklat: Hunk Actor, nag-overnight sa resthouse ng guwapong anak ni Meyor!

  1. The New York Post is a freaking right-wing TABLOID read by conservative idiots and just idiots in general (duh, it’s a tabloid.) Kaya be proud, o ‘di ba? lolz

    Manny hanggang boksing ka na lang. Walang may gustong makinig sayo kumanta o tumingin sa kara mo. Kaya wag ka nang gumawa ng pelikula, shows at commercials, oki? Ayokong nakikita ang fez mo! Okey pa si Mommy Dionisia.

  2. hindi si alfred vargas yan… mayaman ang pamilya niya sa bulacan..kapit bahay namin yan…. educated ang ang pamilya.. lawyer ang mother niya…father niya negosyante…disente ang pamilya nila sa bulacan…kaya sana wag ninyo siyang husgahan…. hindi nyo siya kilala ng personal.. nagpasexy siya para makilala… pero hindi siya gaya ng iniisip ng iba dito

  3. charice has an attitude kaya maraming pilipino ang hindi rin siya kursunada even if she brings fame for our country.

  4. Natulog sa resthouse kesa umuwi sa hotel niya. Ano ang masama rito? Kung pagod ka na at lasing ka pa sa kapa party, siguro mas gugustohin mo nang matulog . Kung saan ang malapit, doon ka. Hindi nangangahulugan na may nangyaring kabadingan. Ang sasama nang isip ninyo.

  5. kailan kaya mahihimasmasan si manny pacquiao na hanggang boksing lang ang kasikatan niya? hindi ko naman sasabihin na hangad pa rin niyang kumita dahil isa na siyang bilyonaryo pero ano pa bang gusto niyang patunayan sa madlang pipol?

  6. charice will never act like Britney though she might go the way how far Britney has gone !!!

    She’s a Filipina, remember ?

    let’s just be PROUD OF HER rather than bragging her down !!

    ok ?

    • tama.. yung mga nang iintriga is full of hate and inggit sa katawan kaya maglulupasay kayo sa inggit.

      comparing sa mga sarah, regine at kung sino sino pang kumakanta iba ang timbre ng boses ni charice pang international di kagaya ng mga nabanggit sikat nga pero sa pilipinas lang dahil lokal.

      sa international scene kasi talent at yun ay na kay charice.

  7. pwede bang may clue sa blind item? mahirap kasi kaming mga nakatira sa ibang bansa hindi namin nakikita mga posters, billboards, commercials, tabloids, magazines etc etc so hindi kami as updated sa mga balita sa artista…

Leave a Reply

Your email address will not be published.