Hunk Actor na Miyembro ng All-Male Group, Bugaw ng mga Young Actor!

NAKAUSAP LAST NOV. 9 ni Kuya Germs sa telepono ang nag-iisang Supertar na si Nora Aunor at ito mismo ang nagsabi na hindi pa sigurado ang kanyang pag-uwi ngayong second week or third week ng Nobyembre. May inaasikaso pa raw kasi itong mahalagang papeles na hindi na naikuwento ni Kuya Germs kung para saan ang nasabing papeles, bago ito makauwi ng bansa.

Gustuhin man daw ni Ate Guy na makapiling na ang kanyang mga tagahanga ngayong Nobyembre, mukhang malabu-labo pa. Aminado naman si Ate Guy na miss na miss na niya ang pag-arte at nanghihinayang ito sa dami ng mga alok mula sa iba’t ibang TV networks para gumawa ng teleserye. Pero kailangan daw muna nitong ayusin ang lahat-lahat bago tuluyang umuwi ng Bansa.

Nangako naman si Ate Guy na ipapaalam niya kay Kuya Germs ang kanyang pagbabalik-bansa as soon as naayos na niya ang lahat ng kailangan niyang ayusin . Baka nga raw isorpresa niya ang kanyang mga tagahanga at bigla na lang siyang umuwi ng bansa.

BLIND ITEM: SINO itong sexy hunk actor na dating miyembro ng isang all-male group mula sa isang sikat at higanteng recording company ang itinuturong nagbubugaw raw ng mga young actor mula sa isang reality-based artista search sa mayayamang bading at mga sikat na personalidad mula sa politics at business world.

Simula raw kasi nang malaos ang kanilang grupo, sumalang na sa pagbebenta ng aliw ang guwapong sexy hunk actor  sa tumataginting na halagang 50K. Pero nang kalaunan, unti-unti na ring bumagsak ang presyo nito sa 5K, dahil sa napagsawaan na rin siya ng kanyang parokyano. Kaya naman nag-iba ito ng modus operandi – ang pagpapa-booking sa mga mayayamang bading ng mga young actors na walang trabaho.

Ito raw ang nagsisilbing contact person sa kung sinong bagets actor ang gusto ng kanyang costumer at kaagad-agad nitong tatawagan at aalamin ang presyo at roon, na siyang magpapatong para kumita. Sa ngayon daw, malakas ang kita ni sexy hunk actor, lalo na’t maraming young actor ang walang trabaho at gustung-gustong sumalang. Kaya naman daw kahit wala itong trabaho for the longest time, mistulang doon ito nagkakaroon ng expensive lifestyle. ‘Yun na.

THIRTY ONE CELEBRITIES ang bibigyang-parangal ni Kuya German Moreno para sa kanyang taunang “Walk of Fame” na gaganapin sa Dec. 1 sa Eastwood, Libis, Quezon City sa ganap na 3 p.m. Ilan sa mga artistang magkakaroon ng kani-kaniyang bituin sa Eastwood ay ang Pinay international star na si Charice Pempengco, Janice de belen, Julie Vega, Paeng Nepomuceno, Che-Che Lazaro, Coco Martin, Jericho Rosales, Lani Mercado, Ronnie Rickets, Jacky Woo, Tito, Vic & Joey, Noli de Castro, Korina Sanchez, Mel Tiangco, Mike Enriquez, Gerald Anderson, Kim Chiu, Sheryl Cruz, Manilyn Reynes, Boy Abunda, Eva Eugenio, Claire dela Fuente, Imelda Papin, Bella Flores, atbp.

Ang magaganap na Walk of Fame ay sa pakikipagtulungan ng may-ari ng A and E Mall sa Jaen, Nueva Ecija na si Ma’am Alice Eduardo na 100% ang suporta sa showbiz industry.

MORE PROJECTS! ITO ang namutawi sa bibig ng isa sa sikat na young star ngayon na si Bea Binene na nagselebra ng kanyang kaarawan last Nov. 4 sa mismong taping ng top-rating Sunday show ng GMA-7, ang Tweenhearts.

Tsika ni Bea, ang pagkakaroon daw ng sunud-sunod na proyekto ang gusto niyang regalo sa kanyang kaarawan. Workaholic daw kasi siya at gustong palaging nagwo-work, kaya naman daw happy siya ngayon for having two shows, ang Ilumina at Tweenhearts, na parehong top-rater.

Wish din daw niya na mabigyan siya ng magazine show, lalo na’t hilig din nitong mag-host, at isang action-serye dahil na rin sa hilig nito sa sports katulad ng Wu-Shu, mountain climbing, swimming, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

8 thoughts on “Hunk Actor na Miyembro ng All-Male Group, Bugaw ng mga Young Actor!

  1. walang duda ako nnman ang binablind item mo. Galit ka ata skin ah dhil d kita pinagbigyan gago ka! Ang barat mo kasi john fontanilla! Dun ka nlang sa recto kumuha ng machuchupa bakla.

Leave a Reply

Your email address will not be published.