Hunk actor, may ibang babaeng idine-date, bukod sa showbiz GF?!

NAALIW KAMI sa isang hunk actor na ka-text namin nu’ng isang gabi. Me nakapagsabi kasi sa amin na merong kasamang ibang girl ang naturang hunk actor.

Eh, itinanong sa amin nitong friend namin kung, “Di ba, sila ngayon ni _____? Eh, me nakakita sa guy at sa non-showbiz girl na magka-date, eh. Pa’no ‘yon? Sila pa rin ba?”

As far as I know, sila pa rin, sabi namin. Saka kung hindi na sila, mababalita ‘yon. At ang nakakalokah pa, nu’ng ininterbyu ang girlfriend nitong showbiz girl, super excited na inaming sila na.

So, nu’ng tineteks namin ang hunk actor, tanong namin dito kung sino’ng kasama niya? Ang sagot niya, puro pangalan ng guys.

“Sino pa?”

“Sila lang talaga.”

Hindi na kami nangulit. Pero sa tagal namin sa industriyang ito, hindi naman namin nabalitaan na me kakambal ang hunk actor na ito.

Well, baka nga kamukhang-kamukha lang nito ang nakita ng aming friend that time.

Hay, nako… makakain nga ng….

(By Ogie Diaz)

Previous articleRespetuhin ang Kalikasan!
Next articleDating sikat na aktor na playboy ang image, nahihilig ngayon sa kapwa lalaki?!

No posts to display