Hunk actor, gustong ibugaw din ni hunk actor?

BLIND ITEM: KINSA Sila? Sino itong hunk actor na medyo nananahimik na ang career sa ngayon ang diumano ay nag-text sa isa pa ring hunk actor na bagaman ay hindi na masyadong aktibo sa showbiz ay palagi pa ring pinag-uusapan dahil sa kanyang mga kontrobersiyal na relasyon?

Laman diumano ng text ang pangungumbinsi nitong ilakad sa mga mayayamang matrona at bading sa halagang P150,000.00. Malaking halaga na kumbaga, para sa ilang oras na paglalakbay sa kaligayahan kasama ng mga mayayamang benefactors. Pero tinanggihan ito ni hunk actor na may mga kontrobersiyal na karelasyon.

Nag-text ulit diumano si hunk actor na nananahimik na ang career sa ngayon sa hunk actor na may mga kontrobersiyal na karelasyon at itinaas ang presyo sa halagang P200,000.00. Again, tinanggihan ito ng hunk actor na may mga kontrobersiyal na karelasyon.

Wala nang clue dahil may karugtong pa ang blind item na ito… Abangan!

SA LAUNCHING NG bagong advocacy ni John Lloyd Cruz na ‘Ingat Pilipinas,’ naitanong namin sa kanya kung handa na nga ba siyang maging Box-Office King ulit dahil sa success ng My Amnesia Girl nila ni Toni Gonzaga.

Mapagkumbabang sinagot ni Lloydie na, “Ah ‘di pa natin alam ‘yun, basta ngayon natutuwa kami at ini-enjoy ‘yung success na dinaranas nu’ng project, nu’ng pelikula… alam mo ako when I do movies, I don’t think the box-office eh, kasi baka madiskaril eh.

“I mean, ang lagi namang intention is to be able to deliver what is expected or what is needed from you. Basta ‘yun lang ang intension, makagawa ka ng magandang pelikula, pelikulang hindi mo ikahihiya. Kasi unang-una, hindi na mura ang sine ngayon, mahal na, so ayaw mong bigyan sila ng trashy na movie.”

May point nga naman si Lloydie!

EXCLUSIVE NAMING NAKAUSAP si Jinkee Pacquiao sa victory party na handog ni Governor Chavit Singson para sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at itinanong namin sa kanya ang tanong ng karamihang hindi pa siya nakilala ng personal, ‘yung mga taong sa TV lang siya nakikita at ito ang sagot ng misis ni Manny.

“Si Jinkee ay simpleng tao pa rin. Hindi ako binago ng panahon.”

Inamin naman ni Jinkee na wala siyang balak na pumalaot sa pulitika balang araw kundi ang magnegosyo lamang. Mapapanood ang ekslusibo naming panayam kay Jinkee sa Paparazzi sa Linggo, 4PM, sa TV5.

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

Previous articleIvan Dorschner, ‘di takot masapawan ng sandamakmak na kasama sa show
Next articleTeen shows, uso na naman!

No posts to display