Hunk Actor, Gumon na sa Ecstacy?!

KALAT NA KALAT na G-string daw ang gagamitin ng GMAAC Prime Artist na si Aljur Abrenica bilang makabagong Machete na malapit-lapit nang mapanood over GMA-7 Telebabad.

Aminado naman daw si Aljur na medyo daring ang kanyang role, pero hindi pa raw nito alam kung gaano ka-sexy ang kanyang magiging suot. Hindi naman daw papayagan sa telebisyon ang masyadong daring, dahil may mga batang manonood.

Ang pagkakalam daw nito, modern Machete ang kanyang gagawin, pero hawig pa rin sa 90’s version na ginampanan ni Cesar Montano. Grabeng paghahanda raw ang ginawa ni Aljur para mas gumanda ang kanyang katawan, lalo na’t lagi daw siyang nakahubad dito.

Sobrang hirap daw ang kanyang pinagdaanan para magkaroon ng magandang pangangatawan para lang sa role. Disiplina at kailangang positibo raw ang pananaw para makuha ang gusto mong hugis ng ‘yong katawan.

MUKHANG MALI ANG haka-haka ng marami na hindi na ‘in’ ang Sexbomb Girls, dahil hanggang ngayon ay in-demand pa rin ang mga ito as a group at as individual. Kaliwa’t kanan ang guestings ng mga ito sa mga shows ng GMA-7 at TV5, kung saan nakikita ang iba sa mga itong umaarte.

Kaya naman bukod sa regular gig ng hottest all girls group sa bansa sa Party Pilipinas at Eat Bulaga, hataw pa rin ang mga ito sa mga shows sa labas. Katulad na lang sa January 12 at 26, kung saan hahataw ang buong grupo ng Sexbomb Girls sa The Library.

EXCITED NA ANG young star na si Bea Binene sa kanyang pinakabagong soap sa GMA-7, ang Captain Barbell. Dito raw ipapakita ni Bea ang kanyang skills sa Martial Arts, dahil may mga fight scene siya rito.

Kung sa bagay, sa tagal ng training ni Bea sa Martial Arts, pihadong mamani-maniin lang nito ang mga fight scene na ibibigay sa kanya sa Captain Barbell.

Bukod sa Captain Barbell ay excited din si Bea sa kanyang nalalapit na laban sa China ngayong 2011 para sa Martial Arts.

Sa ngayon ay regular na napapanood si Bea sa top-rating teen drama show ng GMA-7, ang Tweenhearts, na napapanood tuwing Linggo after Party Pilipinas, kung saan regular ding napapanood dito si Bea.

BLIND ITEM: SINO naman itong hunk actor na sobrang talamak na raw sa paggamit ng Ecstacy? Kaya naman pala ang dating sobrang ganda ng pa-ngangatawan nito ay bigla-bigla na lang bumagsak, at nangayayat na ito.

Mabuti na lang daw, magaling magdala ang morenong aktor na ito at hindi kumakalat ang paggamit nito ng Ecstacy. Pero tsika ng aming source, hindi mo raw talaga mabubuko si aktor, dahil sobrang tahimik nito at kahi’t nga raw naka-Ecstacy ito, tamang senti at nasa isang sulok lang ito at nakatitig sa iba’t ibang ilaw sa disco bar na pinagtatambayan nito.

Sa ngayon daw, tuluy-tuloy pa rin ang paggamit nito ng ipinagbabawal na gamot, kaya naman daw ngarag na ngarag na ang hitsura nito at unti-unti na talagang bumabagsak ang katawan kung makikita sa telebisyon at personal.

Sayang nga raw, dagdag pa ng source namin, dahil isa ito sa mga aktor na pinagpapantasyahan ng lahat dahil sa ganda ng mukha, height at katawan. ‘Yun nga lang daw dahil sa drugs, unti-unti nang kumukupas at pumapangit si hunk actor.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Hunk Actor, Gumon na sa Ecstacy?!

    • Sana kung sino man itong actor na ito, sana itigil na nya kasi itong Ecstacy, very powerful talaga at nakakasira sa utak. May kaibigan ako na ang anak nya nag Ecstacy at naging suicidal at hanggang nagpakamatay. Kawawa talaga ang naiwang pamilya. Sana ipagdasal sa pamilya nitong actor na ito na he will come out of it before it will completely ruin his life at sana he will get the right treatment/help that he needs.

Leave a Reply

Your email address will not be published.