Hunk Actor at Young Actor, Nagkasabay sa Mansion ni Gay Personality Para Kumuha ng Sustento!

SIPAT: ‘WALANG KASALANG NAGANAP!’ deklara ng ROBIN-MARIEL TEAM.
EKLAT: …at NAGALIT ang mga IBALOY.

SIPAT: ‘MAY KASALANG NAGANAP!’ diin ng mga IBALOY.
EKLAT: …at NAGALIT ang mga MUSLIM.

SIPAT: ‘ENGAGEMENT lang ang NAGANAP!’ depensa ng mga KAMAG-ANAK ni BINOE.
EKLAT: …at NAUYAM na ang mga UTAW sa kanilang PALABAS!

SIPAT: ‘SANA FOREVER na SILA!’ wish ni LIEZEL SYCANGCO kina ROBIN at MARIEL.
EKLAT: ‘WISH ko lang…’ ang CHORUS ng EX-GIRLRIEND ni BAD BOY.

SIPAT: TULOY na TULOY na ang TV SHOW ni WILLIE REVILLAME sa TV5.
EKLAT: Yehey! HINDI na LAGING sa YOUTUBE n’yo PANONOORIN si PAPI!

SIPAT: So SAD lang na may MULTI-MILLION DEMANDAHAN pa sa PAGITAN ni WILLIE at ng ABS-CBN.
EKLAT: Pero ‘WILING-WILI’ si ATTORNEY!

SIPAT: GUSTO nang MAKIPAG-AYOS ni SHAINA MAGDAYAO sa ex-BF na si JOHN PRATS.
EKLAT: Kapag MALUWAG na ang SCHEDULE niya?

SIPAT: Uy, VERY DARING daw ang NEXT PROJECT ni SHAINA!
EKLAT: Nakapag-‘WORKSHOP’ na nga siya… with JOHN LLOYD CRUZ?

SIPAT: PANAY pa rin ang BANAT ni CHOKOLEIT kay CRISTY FERMIN sa TWITTER.
EKLAT: ISALANG na nga sila sa CELEBRITY DEATHMATCH!

SIPAT: PAKIUSAP ni SHARON CUNETA sa mga KABABAYAN natin sa ABROAD: ‘WAG HUSGAHAN si P-NOY sa NANGYARING HOSTAGE CRISIS.
EKLAT: Ay, sa mga TSINO ka MAKIUSAP, Ate Mega!

SIPAT: ‘NAGKITA sina HUNK ACTOR at YOUNG ACTOR sa MANSION ni GAY PERSONALITY,’ umpisang KUWENTO ng MAHADERA. ‘DEDMA na lang, dahil PAREHO naman ang PAKAY nila ro’n – SUSTENTO, ano pa?!’
EKLAT: ‘Ang HABA ng HAIR ng BADING! At ang BANGO-BANGO pa!’ pahabol ng MAHADERA.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

12 thoughts on “Hunk Actor at Young Actor, Nagkasabay sa Mansion ni Gay Personality Para Kumuha ng Sustento!

  1. haler enchong dee? BF nya kea si van mike burgos na model, i saw them somewhere, and take note mga bakla it’s more than sex it’s true love kakalorkey!

  2. Sus…kadaming gay benefactor kasi. Hirap tuloy hulaan….

    Sayang na mga tao…pinagsasamantalahan lang ng mga call boys ang kayamanan….

Leave a Reply

Your email address will not be published.