HUNK ACTOR AT WHOLESOME ACTRESS, ISANG ORAS NAGKULONG SA CR NG BAR!

BLIND ITEM: USAP-USAPAN lately ang tungkol sa isang aktres at isang hunk actor na umano’y nakitang magka-date kamakailan sa isang sosyal na bar sa Makati. Intriguing na magkasama ang dalawa since hindi pa naman sila nagkakapareha sa anumang proyekto. At hindi rin naman sila nali-link o identified na close sa isa’t isa.

Pero ang higit na nakakaintriga ay ang pangyayaring nagkulong daw ang dalawa sa restroom ng nasabing bar nang halos dalawang oras. Obviuosly, may milagro si-gurong ginawa ang mga ito dahil bakit gano’n sila katagal sa loob ng CR?

Marami ang nagtataka kung bakit parang nagwawala na raw ngayon ang aktres. May kinalaman daw kaya rito ang isyung on the rocks na ngayon ang pagsasama nila ng kanyang karelasyon?

Hindi pa man kasi humuhupa ang tungkol sa balitang nakunan umano ng CCTV camera ang aktres sa isang establishment na lasing na lasing daw habang naglalakad na kaakbay umano ang non-showbiz guy na nali-link din sa kanya, heto’t isang kilalang hunk actor naman ang sinasabing ka-date niya kamakailan.

Sino ang hunk actor na ito? Pantasya siya hindi lang ng mga kababaihan kundi maging ng mga matrona at bading. Bukod kasi sa guwapo niyang mukha, maganda talaga ang bulto ng kanyang katawan, maputi at flawless ang kanyang kutis. May image itong hindi nagsiseryoso sa relasyon at mahilig lang makipag-fling.

Ang aktres naman, kung panonoorin mo sa mga proyektong nilalabasan niya, napaka-wholesome at respetado ang image. Kaya nga nakapagtataka talaga kung bakit sa mga balitang naglalabasan ngayon about her ay nagpapaka-wild o nagwawala na siya.

Ayaw na ayaw pa mandin niya sa mga hindi marunong maglinis ng kalat. Pero bakit ngayon ay parang siya naman ang nagkakalat?

‘Yun na!

HINDI MASABI NI Alice Dixson kung tuloy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz niya. Nandito lang daw siya sa Pilipinas for a few months vacation. At tiyempong inalok siya ng TV5 para sa isang magandang role sa Babaeng Hampaslupa na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga, na nagustuhan naman daw niya.

Hindi naman daw nanibago si Alice kahit matagal siyang hindi nakaarte sa harap ng camera. Malaking advantage din daw na kaibigan niya ang direktor nila rito na si Eric Quizon para maging at ease siya sa set. Masarap din umanong katrabaho ang iba pang mga artistang nasa cast.

Kung tutuusin, hindi na kailangang magtrabaho ni Alice dahil stable naman ang buhay niya with her husband na isang matagumpay na negosyante sa Canada. Pero nami-miss umano niya ang pag-arte. Nami-miss din daw niya ang mga kaibigan niya rito sa Pilipinas.

Aware si Alice na sa muling pagiging aktibo niya sa pag-arte ay may mga nag-iisip na baka may problema sila ngayon ng asawa niya o baka hiwalay na sila. Pero hindi umano siya nababahala dahil ang totoo ay okey naman daw ang pagsasama nila.

Matatandaang si Alice ang gumanap na ‘Jessica Alfaro’ nang isapelikula ng Viva Films ang istorya ng naging star witness noon na nagdiin kay Hubert Webb at iba pang kasamahan na siyang mga salarin sa likod ng Vizconde Massacre. Natanong tuloy namin siya how she felt nang mabalitaang na-acquit ang mga ito.

“Parang long time coming ‘yung decision na ‘yon,” aniya. “And, ang masasabi ko, artista lang po ako na gumanap do’n sa movie about Jessica,” napabungisngis niyang dugtong.

“Wala po akong kinalaman sa naging decision or anything about the case. Nasubaybayan ko lang ‘yung itinakbo ng case. So, whatever will be will be, eh.”

Ikinagulat ba niya ang naging desisyon ng korte sa kaso?

“Maraming bagay ang nangyari ngayon na parang hindi na dapat ikagulat. Parang things just happened that way.”

Balitang may mga producers na interesadong isapelikula ngayon ang kuwento ni Hubert. Kabilang na nga rito si Carlo Caparas na siyang direktor at producer noon ng pelikulang Vizconde Massacre na pinagbidahan ni Kris Aquino. If ever she will be offered to portray the role of Jessica Alfaro again sa pelikula about Hubert’s story, tatanggapin kaya niya?

“I hope wala silang problema sa akin. I mean, sa akin was trabaho lang po ‘yon. ‘Yon ang pahayag ni Jessica at sinunod lang po namin ‘yung kanyang kuwento at saka lifestory.

“So, if Hubert wanted me to portray her (Jessica), or the producers wants me to portray her again, I have no problem with that.”

Bongga nga siguro kung si Alice pa rin ang gaganap na jessica Alfaro if ever na matuloy ang pagsasapelikula ng istorya ni Hubert. Naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

9 thoughts on “HUNK ACTOR AT WHOLESOME ACTRESS, ISANG ORAS NAGKULONG SA CR NG BAR!

  1. Pingback: HUNK ACTOR AT WHOLESOME ACTRESS, ISANG ORAS NAGKULONG SA CR NG BAR! | Bar towels, Bar accessories, Bar memoribilia

  2. parang claudine nga ang BI kasi diba dati sabi niya siya ang linis ng linis sa kalat ng ate niya. pero sino yung hunk actor?

    • nagbabasakaba?/o mali mali ang BI nayan,,,di pa daw nagkapareha,,e samantalang nagkapareha na si clau at wendell sa tv series na JILLIAN,,ok,,magbasa ka nga at mag research muna,,,saka,,wag nyo ngangg sirain si clau,,if u want,,show the proof,,aber!asan,,,daling gumawa ng isyu na ganyan,,lalo na kung sino sino lang writer na ang alam magsulat lang,wlang decency at proffesionalism,,,,if si BOY ABUNDA,,RICKY LO,,iyan,,mag iisip pa ako,,,pero kung sino lang yang witer na yan,,asus,,,nega at kalandian,,ksiraan,,,yunn na!!

  3. isa sya sa magandang face talaga,,bago pa nagkaroonng gandang MARIAN RIVERA,,CARLA ABELLANA,,KRISTIN HERMOSA,,BEA ALONSO,,CINDY KURLETO,,etc,,may gandang alice at CRISTINA GONZALES na noon,,wow!di tumanda,,,

    sana tlaga magkaroon sya ng soap sa dos at syete din,wag muna syang umalis diba,,,we love her,,simple,humble at proffesional,,oo nga naman,,work is work lang ito,,

    sana si ANJANETTE ABAYARI .AILEN DAMILES,BETH TAMAYO,CRISTINA GONZALES,DAWN ZULUETA,PRISCILA ALMEDAJOYCE JIMEZ,INA RAYMUNDO ang magbalik sa tv at movies pls,,,

  4. we love ALICE DIXSON,,isa sa may pretty face talaga,,,ganda,,di nakakasawa,,hawig kay CARMINA VILLAROEL,diba,,love it!!!

    shes smart at stunning lady,,,sayang wala silang anak ng asawa nya,,

    wellsi ALICE po ang bida o tile role sa tv series na yan,,hindi si alex,,na walang dating,mas namiss ng tao at likes ng tao si alice kesa jan kay alex na ewan,,pilit!

    • pwedi ba,,wag nyong isama si CLAUDINE jan,,nananahimik ang tao at ok sila ni raymart,,wish nyo lang,,wag kayong mandamay ng kasiraan nyo sa life,,ok,,

      • Tama! at least meron kang sinabing maganda. DAhil kawawa naman ang mga babaeng nilalait mo tulad ni shaina.

Leave a Reply

Your email address will not be published.