Humirit ng hospital arrest; Napoles, may ‘tumor’

HUMILING SA Makati Regional trial Court (RTC) ng hospital arrest ang kampo ng tinaguriang reyna ng P10 bilyong pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.

Ayon sa abogado nitong si Atty. Fay Isaguirre Singson, natuklasan ng manggagamot na may ovarian tumor ang negosyante at kailangan nito ng tuloy-tuloy na gamutan at mas madalas na medical check-up.

Dumaranas umano si Napoles ng pagdurugo, hypoglycemia, pagbaba ng timbang at pananakit ng dibdib at tiyan.

“Accused humbly begs the kindness and human compassion of the honorable court to allow the examination to be done by a certified medical physician preferably her current doctor and in a reputable hospital such as St. Luke’s Hospital to ensure the correct prognosis and prescription,” bahagi ng kanilang mosyon.

Hirit naman ng ilang grupo na ilagak na lamang si Napoles sa regular jail facility sa halip na sa Fort Sto. Domingo dahil itinuturing nilang VIP treatment ang pagbibigay rito ng hiwalay na kulungan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.