Humihingi ng tawad sa Pamilya Ejercito
Andi Eigenmann, ‘di kinakausap ang inang si Jaclyn Jose

PAGHINGI NG tawad ang pinakarason ni Andi Eigenmann kung bakit nagdesisyon itong pagbigyan ang hiling namin na ma-interview siya para sa Cinema News. Inamin niya sa amin na hindi niya alam kung bakit pumayag siyang magpa-interview sa amin at buksan ang kanyang kalooban. Pero ito lang ang nakikita niyang paraan para maiparating ang taos-pusong paghingi ng paumanhin kay Jake at sa Pamilya Ejercito, dahil nakalakad ang pangalan at tahimik na pamumuhay ng mga ito dahil sa pag-amin ng inang si Jaclyn Jose na hindi boto sa kanya ang mga Ejercito para kay Jake, at nagkaroon ng sigalot ang kani-kanilang pamilya sa ngayon dahil sa relasyon nila.

Mapagkumbaba na nagbigay-pahayag sa amin si Andi na walang ipinakitang ‘di maganda sa kanya ang Pamilya Ejercito at alam niyang hindi ang pagkakaroon niya ng anak ang dahilan kung bakit siya naayawan ng mga ito kundi may mga balido itong mga rason kung saan naiintindihan at nirerespeto niya.

Emosyonal, umiiyak at ramdam namin ang bigat na dinadala sa ngayon ng aktres, ‘di rin niya itinago sa amin na hindi sila nag-uusap ni Jake, ng Pamilya Ejercito at maging ng kanyang ina. Kahit alam na idinepensa lang siya ng ina at wala itong inisip kundi ang ikabubuti niya, ikinagulat ni Andi ang ginawang pagsasalita ng ina lalo’t para sa kanya ay ‘di ito kailangang gawin pa.

Magbi-birthday pa naman ang anak na si Eli sa darating na Nov. 25, hiling namin sana ay maayos ang gusto sa pagitan ng mag-inang Andi at Jaclyn at magkausap nang maayos ang aktres at si Jake at ang Pamilya Ejercito.

 

AGAD NA klinaro ni Judy Ann Santos sa nakaraang presscon ng Master Chef Pinoy Edition na walang twitter account ang asawang si Ryan Agoncillo gaya ng kumakalat ngayon sa twitter world.

Consistent pa rin ang actress/TV host na hindi sila sasali ng asawa sa magulong mundo ng twitter, kung saan heto nga’t nasa kontrobersiya na naman ang kaibigan na si Sharon Cuneta pagkatapos magpa-kawala ng maangahang na mga salita laban kay Piolo Pascual at sa mga tagahanga nito.

Ayon kay Judai, masaya na siyang magbasa ng mga mensahe para sa kanya at sa ibang mga artista, pero ayaw niyang subukan ito dahil na rin sa ‘di magagandang nararanasan ng mga kapwa artista.

Ayaw magbigay ng pahayag sa bashers ng Megastar, kung saan naituturo ang mga tagahanga ni Piolo, may punto si Judai nang sabihin nito na ayaw niyang maipit at anumang sabihin niya ay maaaring maging iba ang dating sa iba. Ang hiling lang nito para sa lahat ay iwan na sa 2012 ang lahat ng samaan ng loob at galit at harapin ang 2013 na may pagpapatawad sa puso ng bawat isa.

 

Magsisimula ang bagong show ni Judai nga-yong Lunes, 10:30 ng umaga bago ang Be Careful With My Heart. Aminado ito

na excited pero nandu’n ang pressure para sa season 2 ng show, dahil tiyak na nandu’n ang expectations ng marami na  mas maganda at mas Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.