SO HUMBLE!!! Judy Ann Santos, inaming natakot kaeksena si Angelica Panganiban sa Ang Dalawang Mrs. Reyes

Judy Ann Santos and Angelica Panganiban

COMEDY ang pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes at gamay na ni Angelica Panganiban ang ganitong klaseng genre kumpara kay Judy Ann Santos. Ilang beses na rin siyang pinarangalan bilang best comedy actress while Judy Ann is most comfortable doing drama.

When asked kung nakaramdam ba ng takot si Juday na makipagsabayan kay Angge, inamin naman niya ito.

 “Kung sa takot, natakot ako,” pag-amin agad niya.

“In fact after nung third shooting day I had to talk to Direk Jun and the rest of the production staff to to ask if okey ba yung trabaho ko, may kulang ba, pa bang dapat kung gawin? Ganu’n ako hindi ka-confident sa trabaho ko.

“I needed that assurance na tawid yung ginawa kong punchline. Kasi tahimik sa set tapos yung ilaw hindi mainit so hindi ako sanay. Tapos hindi maingay yung crew, hindi maingay yung staff. Parang ako lang yung nandun, hindi na talaga ako sanay.

Judy Ann Santos

“Parang… pelikula ba ito? Panaginip lang ata ito, eh. It took sometime bago ako kumalma. Ganun ako kawalang ka-confidence sa trabaho ko at sa sarili ko as an actress habang ginagawa ko ito.

“Feeling ko ikaw yung bagong luma sa grupo kasi lahat andon, eh. Tapos biglang ikaw yung pinasok sa kumukulong tubig na lahat ay hitik na hitik sa experience,” dire-diretso pa niyang kuwento.

Nag-enjoy daw naman siya sa experience habang ginagawa ang pelikula.

“Na-enjoy ko naman yung buong proseso because ang motivation ko is to learn and to challenge myself and I guess I’m about to reach my finish line ngayong palabas na ito,” very humble niyang pahayag.

Palabas pa rin ngayon sa mga sinehan ang Ang Dalawang Mrs. Reyes mula sa direksyon ni Jun Lana. Kasama nina Juday at Angelica sa pelikula sina Joross Gamboa at JC De Vera.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.