Human trafficking, talamak sa Iloilo

ILOILO CITY – NANGUNGUNA ang lalawigan ng Iloilo sa may pinakamaraming kaso ng human trafficking na naitala sa Western Visayas.

Batay sa datos na inilabas ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) Reg. 6, mayroong 48 kaso na ng human trafficking na naitala sa nasabing lalawigan.

Pumapangalawa naman ang Negros Occidental na may 45 kaso, Antique na may 19 na kaso, Aklan na may 12 kaso at Capiz na may apat na kaso.

Sa 48 kaso ng human trafficking na naitala sa Iloilo, walo rito ay nagmula sa bayan ng Calinog, kung saan ang mga biktima ay pawang mga lalaki.

Ang mga biktima ay ini-engganyo na may magandang trabaho sa Malaysia ngunit nang sila ay dumating sa lugar, pinagtatrabaho ang mga ito sa plantasyon ng palm tree.

Ayon sa isa sa mga biktima na itinago sa pangalang Nonoy, 38, na binabayaran lamang sila ng 12 Malaysian ringgit o may katumbas na P150 bawat araw sa kanilang ginagawang pangunguha ng bunga ng palm tree.

Sa maliit nilang sahod kinakaltas pa rito ang bayad sa kanilang tinutuluyan at pagkain, ani pa ni Nonoy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.