HUMAN TRAFFICKERS, NAGTATAGO SA IBANG PANGALAN

NABASA KO PO sa isang kolum n’yo ang tungkol sa kabalbalan ng Adman Agency na nasangkot sa human trafficking sa Amerika. Pero nang minsang mag-apply ako sa trabaho para sa abroad, nakilala ko ang nga tauhan ng ahensiya ng Adman, sina Backa at Baste, na siya ring tauhan ng bagong ahensiyang pinag-aaplayan ko—ang Ye Le Fu International Manpower and Promotion Services. Tiyak po ako na sila rin ‘yung mga nambiktima sa amin noon. Nang i-check ko po sa POEA, lisensyado naman po at walang rekord ang Ye Le Fu. Ang ibig po bang sabihin n’yan ay wala na silang pananagutan? —Ramces ng Cauayan City

DEPENDE KUNG SINO sa dalawa ang tinutukoy mo. Kung ‘yung Adman, tuluy-tuloy ang kanyang kaso at siya ay may pananagutan sa kaso ng human trafficking. Sa katunaya’y may ginagawa nang aksyon ang POEA sa ahensiyang ito.

Tungkol naman sa Ye Le Fu, dalawang aksyon ang maaari nating gawin:

Una, kung mapapatunayan mo na sina Becka at Baste ang siya ring mga tauhan ng Adman na sangkot noon sa kaso ng human trafficking, maaari mo pa rin silang kasuhan kahit na wala na sila sa Adman. Ang kasong kriminal ay personal na nakakabit sa tao at hindi ito makakatkat sa kanya kahit saan man siya magpunta. Baka nga ginagamit nila ang bagong ahensiya para magtago o para makaipon uli ng pera na gagamitin sa kasuhan.

Pangalawa, posible rin na ginagamit ng Adman ang Ye Le Fu na dummy upang patuloy na makapag-operate, lalo na nang illegal. Malalaman natin ang totoo kung sisiyasatin natin ang mga opis-yales at iba pang personalidad na nasa loob ng Ye Le Fu. Kapag ganito ang nangyayari, posibleng may mga bago na naman silang mabiktima.

Tulad ng nasabi ko na sa mga nauna kong kolum, ang pagiging lisensyado o “good standing” ng isang ahensiya sa POEA ay hindi nangangahulugan na legal ang lahat ng ginagawa nito. Legal man ang isang ahensiya, maaaring illegal ang mga aktibidad at operasyon nito.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.