HUMAN TRAFFICKER NA ANG GOBYERNO?

ISA PO AKO sa mga kamag-anak ng mga stranded na OFW sa Jordan. Nang puntahan po namin ang agency na nag-recruit sa aking kamag-anak, sabi nila’y hindi raw sila puwedeng kasuhan dahil ang mga employment contract naman ng mga stranded na OFW ay “authenticated” ng Philippine Overseas Labor Officer (POLO) natin doon. Samakatuwid, aprubado ng gobyerno ang pagtatrabaho ng ating mga kababayan doon. Tama po ba ang sagot sa akin ng ahensiya?—Rinna ng Concepcion, Tarlac

TOTOO NA ANG patakaran ngayon ng gob-yerno ay i-authenticate muna ng POLO natin sa mga embahada o konsulada sa Middle East ang mga kontrata sa trabaho. Ito raw ay para mabigyan ng proteksiyon ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag-iimbestiga muna ng POLO kung talagang may employer at maayos na trabaho para sa ating mga kababayan.

Ngunit ginagawa lamang ang ganitong authentication sa mga bansa na pinahihintulutan ang pagpapadala natin ng mga OFW. Halimbawa, may mga bansa na may ban sa deployment ng mga Pinoy roon. Ang magagandang halimbawa nito ay ang mga bansa ng Iraq at Afghanistan. Sa ganitong mga bansa, may ban sa deployment at ‘di maaaring ang POLO ay mag-authenticate ng kontrata dahil hindi legal magtrabaho ang mga Pinoy roon.

Ang Jordan ay katulad din ng Iraq at Afghanistan. May ban o pagbabawal sa deployment ng mga Pinoy sa Jordan. Kaya, ano’t nag-authenticate ng kontrata ang POLO roon para sa mga Pinoy? At dahil sa paggarantiya mismo ng POLO na may trabaho roon, nabiktima at stranded ngayon ang maraming Pinoy sa Jordan.

Lumalabas na kasapakat pa ang POLO sa human trafficking. Samakatuwid, “legal” na human trafficker mismo ang pamahalaan natin.

Kanino ka ngayon magsusumbong?

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

By Atty. Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.