Human Rights Violation, Tumindi

NAALARMA ANG GRUPONG Karapatan sa pinakahuling ulat ng paglabag sa karapatang pantao matapos ang naganap na bakbakan kamakalawa sa pagitan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at elemento ng 79th Infantry Battalion sa Sitio Kabayabasan, Barangay Mayabon, Zamboanguita, Negros Oriental.

Sa report, pinasok ang kabahayan ng mga residente at isang magsasaka ang pinahirapan umano ng mga sundalo mula sa 79th Infantry Battallion at ang isa ay iligal na inaresto at isinailalim sa interogasyon.

Pinagbantaan din umano ang nasabing magsasaka na papatayin at ibibilad ang bangkay hanggang sa matuyo sa araw, kung saan naging sanhi ito ng pagkatakot ng mga residente habang naglilibot sa buong barangay ang mga sundalo at inakusahan ang mga residente na mga kasapi at supporter ng NPA.

Ang nasabing pahayag ng Karapatan ay nang magsumite ng reklamo ang naagrabyadong mga magsasaka na pawang kasapi ng Kahugpongan Alang sa Ugma sa Gagmayng Maguuma sa Negros Oriental (KAUGMAON).

Kasabay nito, hiniling ng KAUGMAON na agad alisin sa Negros ang 79th IB dahil sa nagiging target na ang mga magsasaka sa Zamboanguita sa mga iligal na pag-aresto ng mga sundalo ng pamahalaan at nagdudulot lamang ito ng kaguluhan sa kanilang lugar.

(Z. TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.