Human Milk Banking, Suportado ng ASTI-DOST

TINUTULUNGAN NG Advance Science and Technology Institute ng Department of Science and Technology (ASTI-DOST) ang teknolohiya ng human milk banking sa bansa.

Bagaman nagsimula ang programa at pag-aaral nito sa Philippine Children’s Medical Center noon pang 1996, sa sumunod na taong 1997, kasama si Dr. Gloria Baens Ramirez, nilikha ng ASTI ang unang table top pasteurizer na ginagamit hanggang sa kasalukuyan upang matiyak ang kalinisan ng mga gatas ng ina na ido-donate sa mga sanggol na may matin-ding karamdaman at walang inang magbibigay ng kanilang sariling gatas.

Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, wastong nutrisyon ang hatid ng gatas ng ina sa sanggol at lalo sa mga batang may matinding karamdaman gaya ng mga naka-confine sa PCMC.

Bagaman kadalasang ipinagsasawalang-bahala ang kahalagahan ng breastfeeding pati sa mga bansang gaya ng Pilipinas ay ipinagpatuloy pa rin ng mga advocacy groups ang pagdiriwang nitong nakaraang Agosto kung saan imbes na kadalasang “blood-letting” ang programa ay “milk-letting” naman.

Matatandaang 30 ina ang nagbigay ng kanilang gats upang makatulong sa mga sanggol na may cancer. Sa kabila ng mga kabutihang dulot ng breastfeeding bilang isang libreng source ng gatas lalo sa mahihirap ay mas marami umanong mayaman ang nag-donate, ayon sa source ng pahayagang ito.

Ang ASTI ay isang sangay ng DOST na siyang nag-aaral at nagsusulong ng mga bagong teknolohiya na kung tawagin sa ingles ay “ahead of its time”, ngayong naka-concentrate sila sa industriya gaya ng information technology at electronics.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.