Humabol sa birthday ng anak Pulis, kinalawit ni kamatayan

KAMATAYAN ANG INABOT ng isang pulis na hahabol sana sa birthday party ng kanyang anak makaraang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang 10-wheeler truck sa Bago City, Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si PO1 Martin Siozon, 27 anyos, intelligence officer ng Bacolod City Police Station 8.

Pasado alas-8 ng gabi noong Miyerkules nang maganap ang aksidente sa Barangay Taloc ng nasabing lunsod.

Inamin naman ng mga kasamahan ng biktima na nakainom ng alak ang pulis at pinayuhan pa itong huwag na lang munang umuwi dahil gabi na at malayo pa ang lalakbayin lalo na at nakainom ito.

Ngunit sa kabila ng pakiusap ay nagpumilit pa rin itong umuwi.          (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.