Huling Silip kay AJ Perez

WALANG PATID ANG mga nakiramay sa huling gabi ng burol ng young actor na si AJ Perez sa Christ the King Church sa Green Meadows, Quezon City noong April 25. Dumagsa ang kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz kaya patunay ito na napakaraming nagmamahal sa kanya. Ilan sa mga ‘di nakalimot na dumalaw ay ang mga nakasama niya sa natapos na primetime serye ng ABS-CBN na Sabel kung saan isa siya sa mga lead stars.

Samantala, inihatid na si AJ sa kanyang huling hantungan kahapon, April 26 sa Manila Memorial Park, Parañaque City. Isang masaya at mapayapang paglalakbay sa ‘yo, AJ. Narito naman ang ilan sa mga taartits at personalidad na naispatan ng aming mga kamerang-gala. Tsuk!

Ni MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

6 thoughts on “Huling Silip kay AJ Perez

Leave a Reply

Your email address will not be published.