Huling rampa na raw sa Bench show
Jake Cuenca, gagawin na ang lahat!

USAP-USAPAN NA bago pa lang magsimula ang premiere night ng pelikulang ‘Guni-Guni’ noong Martes, August 21, 2012 na pinagbibidahan ni Lovi Poe na darating si Jake Cuenca para suportahan ang napapabalitang pinakamalapit sa puso ng dalaga sa ngayon.

Hindi naman binigo ni Jake Cuenca ang mga tagahanga ni Lovi dahil maaga pa lang ay dumating na ito sa Cinema 9 ng SM Megamall.

Kuwento ni Jake sa amin, “Andito ako to support the movie, siyempre Lovi is a very good friend. Nakita ko ‘yung trailer ng Guni-guni, sobrang ganda, so I’m just her to support the movie.”

Inamin naman ni Jake na naipakilala niya na nga si Lovi sa kanyang mga magulang pero ‘informal’ meeting lang daw ‘yun. “Yeah nakilala na siya ng parents ko. Yeah informal meeting at least nakilala na siya. It was good. Siyempre my parents are excited to meet her as well, kasi nanood sila ng My Neighbors Wife, it was a long time ago, excited sila na kilala nila si Lovi.”

Inusisa na rin namin si Jake sa totoong estado ng relasyon nila ni Lovi, at kung bakit hindi niya na itinuloy ang panunuyo dito. “Ahm… siguro, oras, ‘di ba? I mean hindi birong gumawa ng dalawang teleserye, nang sabay sabay. Pero she’s a good friend, and I want to keep her as a friend. And she’s very special to me. And I wanna keep it that way.”

Wish naman daw ni Jake na makatrabaho ulit ang dalaga. “We’re really good friends and proud ako du’n sa aspetong ‘yun, and sana magkatrabaho kami very soon.”

Sa ngayon daw, hindi naman nagmamadali si Jake na makahanap ng karelasyon. In fact, more than one year na raw siyang single, pero priority raw muna niya ang trabaho.

Dagdag niya, “I’ve been single for like a year, isang taon na. Timely lang siguro kasi di ko rin, mahirap ring i-fullfil ‘yung schedule na maraming bagay na nasa utak mo. Timing lang, ‘di ba? Ako, nagpapasalamat na rin ako na dahil sa estado  ko ngayon, my shows are doing well. Pero hindi ko rin bina-block na magkaroon ng relationship with anyone. Kasi  siyempre masarap naman talagang magka-girlfriend, eh. But sana in the near future mangyayari ‘yun.”

Sa September 1 na gaganapin ang ika-anim na Star Magic Ball. Ang event na ito ay ang taunang pagtitipon ng mga talents at artistang kabilang sa Star Magic Artists ng ABS-CBN.

Kinukunsidera kaya ni Jake na imbitahin si Lovi para maging partner sa red carpet ramp? “Yeah, pero aalis ‘ata siya eh, she’s going to Japan. It would have been good to bring Lovi to the ball. Wala eh, ganu’n, busy and naintindihan ko naman ‘yun. Works come first.”

So, sino kaya ang makaka-date niya sa Star Magic Ball 2012? “I’m going solo this year. Siyempre, I don’t want to be unfair to any of my leading ladies. Medyo mahirap, pero ayoko nga naman na maging unfair to anyone. I  think this year I’m gonna ride solo, but then looking forward to seeing all my friends, my co-workers masaya na lang. But more or less, I think I gonna go solo this year.”

Pagkatapos ng Star Magic Ball, isa pang event ang inaabangan ng karamihan, ang pag-rampa ng mga celebrities suot ang mga pamosong collection ng Bench. Hindi ito taunang isinasagawa ng nasabing clothing brand kaya naman, marami talaga ang gustong makapanood sa naturang fashion show.

Isa si Jake sa inaabangan dahil sa kanyang pagpapakita ng katawan at ‘behind’ at sa taong ito kaya, anong eksena naman kaya ang kanyang gagawin? “Let’s see, kasi this might be my last. Siyempre, ilang beses ko nang nagawa, and ‘di ba parang ayaw ko namang magsawa ang tao sa akin. So, this might be my last. So, I want to ramp with a big bang. Antayin n’yo na lang September 13 and 14.”

May ipapakita kaya siyang ‘kakaiba’? “Tingnan n’yo na lang, I want to consider that this will be my last one so expect the unexpected.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

6 thoughts on “Huling rampa na raw sa Bench show
Jake Cuenca, gagawin na ang lahat!

  1. anong award ang nakuha nya ha tangang tagahanga ni jake? kaya naman maraming proyekto kasi isa sa mga parausan ng mga baklang executives ng kapamilya! ang tanga mo super! hindi nya kalevel si piolo noh! kahit baklita si papa p, hindi lang acting ang level nya, nasa singing level pa at si papa p, may mga totoong awards mapa-acting or singing awards lang kaya wag na wag mong ilelevel ang pabooking na may mabahong hininga at body odor ang jake cuenca kay papa p, naintindihan mong tangahing fan ka? hahahahaha

    • Oo nga may baklang anak yang si Lopez baka yun ang sumusupsup ng buto nya at kaya di rin sya mawala sa Ch 2 limelight.. Meron pa sa Ch 5 balita ko si Mang Manny ganun din ang trabaho. Kaya pwede si Jake sa Ch. 5 anytime.

  2. grabe nmn kyo kung mkapanlait ng tao.inggit lng kyo cgro kc mga idol nyo wlng teleserye.eh c jake dala-dalawa.in fairness,mgaling umarte c jake nkkuha n cia ng mga acting awards..kht andaming nninira s knya,in demand prin cia.asan n yang piolo nyo,gwapo nga,bkla nmn.at least c jake lalaking lalaki.eh c piolo,xian,enchong at cno pb?

  3. Kahit anong anggulo eh antipatiko at pangit ang tingin ko ke Jake. Kungdi lang ang ganda ng istorya ng Kung ako’y iiwan mo at ang galing nuong ibang bida gaya ni Shaina & Bangs, eh di ko panonoorin ang teleserye dahil sa suya ko ke Jake. Ma-epal ang dating.

  4. May pa rampa rampa pang nalalaman, eh puro kamit ang mga itim na butlig naman ang puwet.. Wag ka ng umepal sa stage dahil isa ka namang malaking dyutay.. yang birdie mo kahit virgin eh irereject sa liit.. bwuahahah.. ipakatam mo ang pwet mo ng kuminis naman.. bwuahahahah.. si Wendell Ramos lang ang may kay magbuyangyang ng pwet dahil yung mas makinit pa ang pwet nya sa mukha ni Jake Cuenca na yan..

  5. hindi man nagpapakita ng hubad na hubad na katawan si jake sa fashion show o sa publiko, naipakita naman na nya ang kanyang buong katawan at kaluluwa sa mga executives ng kapamilya at sa mga mayayamang baklita! feelingerong jake yan! ginagamit pa ang katulong na si lovi para matakpan ang kanyang sexcapades! pareho lang kayo ng social climber na lovi na yan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.