HULING HIRIT: Coleen Garcia, todo paseksi bago magpatali kay Billy Crawford

Coleen Garcia

TILA HULING sexy film na ni Coleen Garcia ang pelikulang Sin Island na kakaibang pang-Valentine’s Day offering ng Star Cinema.         

Usually kasi pa-tweetums kung hindi man romcom ang ipinapalabas ng film outfit kung saan pinaguusapan ang mga hot love scenes ng dalaga with her screen partner na si Xian Lim na first time din magpapa-sexy sa pelikula na obra ni Gino Santos.

Huling hirit ika nga ng dalaga sa sexy genre lalo pa’t ikakasal na siya sa boyfie niya na si Billy Crawford.

Recently ay nagpa-despedida de soltera na si Coleen with her girlfriends sa Hawaii kung saan kasama doon ang chummy and personal friend niya (cousins din sila) na si Ria Atayde na bago pa man in-announce ang pagpapakasal niya kay Billy, nakatago na in safe keeping ang engagement ring ni Coleen na ipinatago ng future husband niya kay Ria.

Ang pre-nuptial pictorial nila ni Billy na kinunan sa Thailand ay tapos na rin. Date na lang ng kasal ang hinihintay ng media at ng mga fans nila na ayon sa future bride, ise-share din niya sa media at sa mga tagahanga nila ni Billy at hindi pagmamaramot (tulad ng iba).

Kaya sa mga kalalakihan at katomboyan na nagiilusyon kay Coleen, huling hirit na ninyo masilayan ang kabuunan ng dalaga sa Sin Island.

Pag naikasal na siya, less na ang kaseksihan ng dalaga. Kayo rin huwag pahuhuli.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.