Huling Birthday Na; Kelot, Pinatay sa Ratrat

PATAY SA ratrat ang isang lalaking nagdiriwang ng kanyang kaarawan kahapon, Setyembre 1, sa Barangay Payatas-A, Quezon City.

Kasalukuyang sinusuri na ng scene of the crime operatives (SOCO) at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktimang kinilalang si Edwin Simoy na nakabulagta sa labas ng isang mosque sa San Miguel extension matapos ang pamamaril.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Evelyn Gargara, ika-48 na kaarawan ng kanyang kapatid na isang aircon technician.

Humingi pa aniya sa kanya ang biktima ng P4,000 nitong Sabado at laking gulat na lamang nang makita ang sinapit ng kapatid sa mismong kaarawan nito.

Samantala, blangko si Gargara sa motibo sa pagpatay sa kapatid.

Sa ngayon, wala pang matukoy na salarin sa nasabing krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.