Huling Araw ng Statement of Expenditures, Itinakda ng Comelec

BINIBIGYAN NG hanggang susunod na linggo, June 12, ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pulitikong kumandidato sa May midterm elections natalo man o nanalo, na isumite ang kani-kanilang statement of election contributions and expenditures (SECE).

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ang sinumang hindi makakapag-comply sa naturang requirements ay hindi papayagang makaupo sa kanilang mga puwesto.

Sa ilalim ng nasabing batas, kailangang magsumite ng statement of expenditures ang mga tumakbong kandidato sa loob ng 30 araw matapos ang halalan.

Samantala, sinabi ni Chairman Sixto Brillantes, na bukas ay ilalabas nila ang official tally ng mga nanalong senador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.