Hulicam: Ang Pagbibigay-galang ni PGMA kay dating Pangulong Aquino

DUMATING SI PANGULONG Gloria Macapagal-Arroyo sa huling lamay sa namayapang dating Pangulong Corazon Aquino sa Manila Cathedral, dakong alas-3:45 ng umaga kahapon, Agosto 5.

Galing sa Amerika matapos makipagpulong kay US Presidentr Barack Obama, pinutol na ni Pangulong Arroyo ang kanyang trip. Ito ay sa kabila ng ilan pang mahahalagang pulong ng Pangulo, makahabol lang sa burol ng dating pangulo na inilibing na nga kahapon sa Manila Memorial Park.

SA NAISPATAN NGA ng ating kamerang-gala, malugod na tinanggap ni Sen. Noynoy Aquino ang pakikiramay at pakikidalamhati ni Pangulong Arroyo, kasama ang kanyang delagasyon at anak na si Datu. Hindi na nagtagal ang Pangulo bilang pagsasaalang-alang sa mga kababayan na nagnanais ding magbigay ng huling sulyap sa labi ng dating pangulo. Sa likod ng Manila Cathedral dumaan ang Pangulo, kasama ang kanyang delagasyon.

PHOTOS BY DANNY VOLANTE

loading...

4 thoughts on “Hulicam: Ang Pagbibigay-galang ni PGMA kay dating Pangulong Aquino

  1. Nag party pa nga iyang si Gloria Arroyo at company dito sa US noong mismong gabi na namatay si Presidente Cory Aquino!!! kapal niyan kaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.