Huli sa piling ng iba; kelot, sinaksak ni misis

SUGATAN ANG isang lalaki makaraang saksakin ng kanyang live-in partner nang maaktuhang nasa kandungan ng ibang babae sa Legaspi City, Albay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang naka-confine sa ospital na si Jared Andro, 26-anyos, pedicab driver ng Poblacion Bacacay.

Habang pinaghahanap naman ang suspek na si Sherelyn Abpirudo, 26-anyos, residente rin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang magkarelasyon nang sundan ng babae ang kanyang kinakasama sa isang bahay kung saan nahuli nito ang pagtataksil.

Nagkaroon umano ng eskandalo sa lugar at hanggang makauwi ay patuloy ang kanilang ba-ngayan.

Giit ni Abpirudo na hindi na niya matatagalan ang pambabae ni Andro kaya naman makikipaghiwalay na ito.

Sa takot na kunin ang anak ay inunahan ni Andro ang suspek at binitbit ang dalawa nilang anak subalit agad itong hinabol ng huli saka sinaksak sa likod.

Agad namang naidala sa ospital ang biktima habang tumakas din ang suspek.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.